TINIYAK ng Malakanyang na tuloy pa rin ang online classes sa bansa.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasunod ng muling pagsasailalim sa ECQ ng Kalakhang Maynila at mga karatig nitong lalawigan.
Sinabi Sec. Roque na hindi naman lalabas ng bahay ang mga estudyante kaya’t walang dahilan para itigil ang online classes.
“Tuloy naman po ang online classes dahil hindi naman lalabas ng bahay iyan. Kayo ha, cutting class online ha. Hindi naman po, tuloy po,” may halong biro na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
197
