“WALA na po. Wala na pong religious gatherings. Full stop!”
Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ilagay sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital
Region (NCR), Laguna, Cavite at Rizal mula Marso 29 hanggang Abril 4.
Nitong Biyernes ay inanunsyo ni Sec. Roque na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases na magkaroon ng religious gatherings isang beses kada araw mula Abril 1 hanggang 4 o sa Semana Santa.
Aniya, hanggang 10 porsyento lamang ang seating capacity sa loob ng mga simbahan.
Subalit dahil sa muling pag-iral ng ECQ ay suspendido na ito. (CHRISTIAN DALE)
282
