Pulso ng Masa sa mga makabuluhang issues ng bayan, games at public service kumpletong handog ni Kuya Jing sa kanyang Facebook live

Ilang beses ko na din napanood ang Facebook live episodes ni dating Senador Jinggoy Estrada o Kuya Jing at talaga naman di ka mababagot. Bukod sa mga nakakatawang hirit ni Kuya Jing ay binibigyan din nya ng pagkakataon ang mga viewers nya na ilabas ang saloobin sa mga maiinit na issue na kinakaharap ng ating bansa. Nitong Byernes ay tungkol sa COVID19 vaccine ang usapin at sa mayorya sa libong viewers nya ay willing na willing magpabakuna. Sana nga ang mapabilis ng gobyerno ang vaccine roll out.

Dagdag saya at excitement din ang mga palaro ni Kuya Jing dahil sa dami ng cash prizes at kabuhayan showcase, at kamakailan lang e napansin kong ang kanyang homepartner ay ang mga nangangailangan ng tulong. Sabi nga sa programa ay mas ginawang makabuluhan ang palaro. Kaya kung ikaw ang mapipiling contestant ni Kuya Jing, nanalo ka na nakatulong ka pa!

Ang Jingflix with Kuya Jing at mapapanood sa Jinggoy Estrada Facebook page tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Sabado alas otso ng gabi.

 

199

Related posts

Leave a Comment