VACCINE BRANDS IPAPAALAM SA RECIPIENTS

MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.

Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa local governments ang pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.

“Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan n’yo po itong malaman at tanggihan ito,” aniya.

Kaya hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na iwasan na ang maging “choosy” sa vaccine brands.

Ang lahat ng COVID-19 vaccine, ani Sec. Roque ay dumaan sa masusing pagsusuri ng local at international drug regulators.

Sabi pa ng opisyal, wala namang pilitan sakaling ayaw ng isang indibidwal na magpaturok ng bakunang ibibigay sa kaniya.

Sa ngayon, nakakuha na umano ang Pilipinas ng garantiyang suplay mula sa vaccine maker ng China na Sinovac. Meron na rin daw mula sa AstraZeneca at Serum Institute ng India. (CHRISTIAN DALE)

154

Related posts

Leave a Comment