BULACAN – Hindi akalain ng isang 25-anyos na binata na matutunton siya ng mga operatiba ng Manila Police District na umaresto sa kanya sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Rey Dongon y Daguinodas, nanuluyan sa Sta. Maria Bypass Road, Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan.
Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete na isinumite kay P/Lt. Col. Noel Aliño ng DIDM ng MPD, bandang alas-5:00 ng hapon nang arestuhin si Dongon sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Wilhelma B. Joerge Wagan ng Regional Trial Court Branch CXI (111) ng Pasay City dahil sa kasong murder. (RENE CRISOSTOMO)
210 