HEAT STROKE BREAK IBINALIK NG MMDA

TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na mayroong heat stroke break ang mga traffic enforcer at street sweepers sa Kalakhang Maynila.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Abalos na ang heat stroke break ay kanilang ibinibigay ng “extra 30 minutes” sa kanilang traffic enforcers.

Ang mga cleaning officer naman aniya ay may iba’t ibang batches ng oras sa kanilang ginagawa.

“So, nagbigay po kami dito. At kung tumaas pa on a certain degree, if I am not mistaken 40 degrees, additional 15 minutes pa rin po,” ayon kay Abalos.

Sa kabilang dako, pinawi naman ni Abalos ang pangamba ng publiko sa patuloy na pagdami ng mga pumipila sa mga vaccination center para magpabakuna.

Sinabi ni Abalos na bukod kasi sa pagdadagdag ng vaccinations hubs sa Metro Manila ay sapat naman aniya ang bilang ng mismong nagbabakuna or vaccinator para i–accommodate ang dagsa ng mga tao.

Bukod pa aniya ang pagtutulungan ng MM Mayors, pamahalaan at pribadong sektor. (CHRISTIAN DALE)

271

Related posts

Leave a Comment