Tatanggap ng first dose ng bakuna kailangan pumila ‘WALK-IN’ INAWAT SA MALABON

TANGING second dose ang itinurok at hindi nagbakuna ng first dose sa Malabon City kahapon.

Mahigpit ding ipinagbawal ang walk-in vaccination, ayon sa Pamahalaang Lungsod.

Samantala, magpapatuloy ang pagbabakuna ng 2nd dose ng ibang brand ng bakuna sa Fishermall Malabon at Oreta Sports Complex kaya’t kung naka-schedule para sa 2nd dose sa dalawang vaccination sites ay pinayuhang pumunta lamang sa nasabing sites.

Sa kabilang dako, nagsimula nang mamahagi ng cash allowance para sa special education (SPED) students ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Aabot sa 375 benepisyaryong Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang P2,500 cash allowance para sa buwan ng Enero hanggang Mayo.

Sa nasabing bilang, 341 ang elementary students, 12 ang nasa high school, at 22 ang naka-enroll sa Navotas Polytechnic College.

Sa ilalim ng scholarship, nagbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

“This school year has been difficult for our learners, especially those who are differently-abled. We hope that through the educational assistance, we were able to lessen their worries and help them cope with the challenges brought about by the pandemic,” ani Mayor Toby Tiangco. (ALAIN AJERO)

 

150

Related posts

Leave a Comment