DTI HUMIRIT NG BUS PARA SA MGA FULLY VACCINATED

IMINUNGKAHI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagtatalaga ng mga bus para sa mga fully vaccinated Filipino.

Aniya, makapagbibigay ito ng “greater confidence” sa mga mananakay lalo na sa mga “physically reporting” sa trabaho.

“We have to realize that a fully vaccinated public vehicle steers a higher level of confidence, and it must be given to the public,” ayon kay Concepcion.

Sinabi ng Health authorities na maaari pa rin kasing mahawa ng coronavirus ang mga inoculated individuals.

Ayon sa mga ito, walang bakuna ang makapagbibigay ng 100% protection, subalit ang lahat ng may emergency use authorization sa bansa ay mapipigil ang severe forms ng COVID-19.

Pinalutang naman ni Concepcion ang ideya sa isinagawang meeting kasama ang mga miyembro ng transport sector, noong Lunes.

“The move will also help attain a “micro-herd immunity” goal in workplaces, as the country further reopens the economy,” ayon kay Concepcion.

Nauna rito, iminungkahi rin ni Concepcion na payagan na ng gobyerno ang full operational capacity sa mga office building na may 80% fully vaccinated employees. (CHRISTIAN DALE)

165

Related posts

Leave a Comment