TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.
Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador sa Eleksyon 2022.
Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters sa pamamagitan ng isang Atty. Melchor Aranas.
Ayon kay PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, tatakbo si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang nagngangalang Mona Liza Visorde ang gjnawan ng substitution ng Pangulo.
Sinabi ni Matibag na tatakbo ang Pangulo sa PDDS upang maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban, gayundin ang naging rason ni Go nang maghain ito ng COC sa pagka-pangulo sa ilalim ng ibang partido. (CHRISTIAN DALE)
