UMAABOT na lamang sa 8,422 ang average na naitatalang bagong daily COVID-19 infections sa bansa simula Pebrero 1 hanggang 5.
Base sa ulat ng OCTA Research Group, ito’y malaking pagbaba mula sa 17,025 noong nakaraang linggo.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo, mula Enero 18 hanggang 24, ang seven-day average ay nasa 28,666, at 34,958 naman mula Enero 11 hanggang 17.
Ang reproduction number naman o bilis ng hawahan ng virus, sa buong bansa ay bumaba na rin sa 0.55 noong Pebrero 2, mula sa dating 0.93 hanggang Enero 26.
“The 7-day positivity rate in the entire country decreased from 34% to 24%,” ayon kay David.
Habang ang hospital bed occupancy rate sa bansa ay bumaba na rin sa 40% mula sa dating 49%. (RENE CRISOSTOMO)
