TATLONG babae ang nalambat ng mga operatiba ng Manila Police District sa ikinasang buy-bust operation at nakumpiskahan ng P986,000 halaga ng umano’y shabu sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.
Kinilala ang mga suspek na sina Judy Ann Barrozo, 24; Vannie Rabia, 33, at Jennilyn Betito, 33-anyos.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-9:05 ng umaga nang ikasa ang buy-bust operation sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Morong St. sa Tondo
Pinangunahan ni P/Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 29 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 145 gramo at may street value na halagang P986,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)
212 