BOY PADYAK PINATAY SA HARAP NG PAMILYA

PINATAY sa bugbog at saksak sa harap ng kanyang pamilya ng dalawang lalaki ang isang pedicab driver sa Navotas City.

Hindi umabot nang buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang si Gaylord Libre, 31, ng Brgy. San Roque, ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 noong Biyernes ng gabi, gagarahe na sa Wawa St., Brgy Tangos South ang biktima kasama ang kinakasamang si Joan Silvestre, 37, at kanilang dalawang anak nang dumating ang mga suspek na sina Jeff Dela Cruz at Lorenzo Dela Cruz.

Hinambalos ni Jeff ng golf club ang biktima habang inararo naman ng saksak ni Lorenzo.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (ALAIN AJERO)

293

Related posts

Leave a Comment