NIYANIG ng isang magnitude 6.4 na lindol ang Occidental Mindoro. Wala namang iniulat ng namatay o nasaktan sa pagyanig ng lupang naramdaman sa kabisera at iba pang lalawigan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-5:00 ng umaga nang yanigin ng lindol ang nasabing lalawigan, ang Metro Manila at Batangas.
Sa paunang ulat ng PHIVOLCS, ang sentro ng tectonic earthquake ay natunton sa Manila Trench sa layong 14.05°N, 119.12°E – 110 km N 79° W ng Lubang. May lalim ang nasabing lindol na 29 kilometers.
Habang isinusulat ang balitang ito, nakapagtala na ng 10 aftershocks ang PHIVOLCS. (LILY REYES)
269 