KRISTIYANO AT MUSLIM LUMAGDA SA KASUNDUAN NG PAGKAKAISA SA MAYNILA

NILAGDAAN nina Manila Mayoralty bet Atty. Alex Lopez, Vice Mayor aspirant Raymond Bagatsing ang isang kasunduan sa kinatawan ng Muslim Community Masjid, na naglalayong magkaisa ang mga ito at mga kristiyano.

Kasabay ng kanilang paglagda na ginanap sa Bayleaf, Intramuros, Manila nitong Huwebes ng hapon ay tiniyak ng mga lider at kinatawan ng Muslim Community sa Maynila ang kanilang buong suporta sa tambalang Alex at Raymond sa darating na 2022 elections.

Itinataguyod ng mga nasabing grupo ang layunin ng UniTeam sa pangunguna ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos para sa pagkakaisa upang magdala ng mabuti at eksklusibong pamahalaan sa kapwa nila Manilenyong Muslim.

Kasabay nito ang pagpapasuot kay Atty. Alex ng kopya, inilalagay sa ulo ng mga Moro na karaniwan ay Sultan dahil para sa kanila ay si Lopez ang susunod na Rajah ng Maynila.

Matapos ang kasunduan ay nagtungo ang magka-tandem sa Juan Luna, Gagalangin, Tondo. Sa halip na magsagawa ng magarbong proclamation rally sa unang araw ng local campaign ay pinili nilang kumustahin ang sitwasyon ng mga residente sa naturang lugar at ipakita ang kanilang malasakit. (RENE CRISOSTOMO)

263

Related posts

Leave a Comment