TINATAYANG mahigit 20 pamilya ang nawalan ng tirahan nang matupok ang sampung kabahayan makaraang sumiklab ang sunog sa Gagalangin, Tondo, Manila nitong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na residential house sa #568 Callejon St., Gagalangin, Tondo.
Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-6:44 ng umaga nang magsimula ang sunog sa kabila ng malakas ulan, na umabot sa unang alarma at tuluyang idineklarang fire-out ng dakong alas-7:57 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa sunog. Ayon sa BFP, umabot sa P500,000 halaga ang natupok na mga ari-arian sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)
198 