TINIYAK ng Malakanyang na mainit na iwe-welcome ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang susunod na Pangulo ng Republika at papalit sa kanya sa puwesto sa katauhan ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr.
Sinabi ni Acting Presidential spokesperson Secretary Martin Andanar, bahagi ito ng tradisyon sa pagpapalit ng liderato ng bansa.
Masusunod din aniya sa pagkakataong ito ang nasabing tradisyon at protocol gaya sa mga nakaraang pagpapalit ng liderato ng bansa.
Samantala, wala pang abiso kung magkikita sina Duterte at Marcos Jr. bago ang Hunyo 30.
“Wala pa naming sinasabi. We will wait for further announcement,” ayon kay Andanar.
Sa mga nakaraang pahayag ni Pangulong Duterte, sinabi nitong kanyang iimbitahan sa Palasyo ang kanyang successor para makausap at mai-tour sa Malacanang. (CHRISTIAN DALE)
401
