BILANG miyembro ng Commission on Appointments (CA), binati ni Marikina Congressman Marcy Teodoro si AFP Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete matapos siyang ma-confirm ng makapangyarihang komisyon. Nagbigay rin si Teodoro ng kanyang manifesto sa plenaryo ng Senado bilang suporta sa appointment ni Nafarrete na kabilang sa 37 AFP officers na kinumpirma ng CA. (DANNY BACOLOD)
INAPRUBAHAN na ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni AFP Chief of Staff General Antonio Nafarrete bilang four star general.
Kasama rin sa inaprubahan ng CA ad interim appointment ng 37 general, flag officers at senior officers ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay CA-National Defense Committee Chairman Joboy Aquino II, naniniwala ang komisyon sa kahandaan ng mga opisyal para sa mas mataas na ranggo.
Wala aniyang duda sa integridad at kakayahan ng 38 matataas na opisyal ng hukbong sandatahan dahil ito ay pinagsikapan din nilang makuha.
Kabilang sa prayoridad ng AFP sa ilalim ni Nafarrete ang pagpapatuloy ng modernisasyon sa AFP sa pamamagitan ng pag-upgrade sa capabilities ng militar sa kanilang unmanned systems, communications at joint command and control para mapalawig at mapahusay pa ang maritime domain awareness sa bansa.
Kabilang rin sa inaprubahan ng CA ang ad interim appointment ng dating kongresista na si BGen. Michael Romero ng Philippine Air Force (Reserve).
(DANG SAMSON-GARCIA)
46 