Ang grand opening ng “The Pet Depot” CUSTOMER FIRST, ALWAYS

BUKAS na sa para sa kanilang mga parokyano sa buong bansa ang The Pet Depot na may motto na “CUSTOMER FIRST, ALWAYS” noong nakaraang Sabado, Marso 21, 2026 sa WPL Building, White Plains, Quezon City.

Dakong alas-8 ng umaga sinimulan ang Grand Opening ng The Pet Depot sa pangunguna ni Christopher Joshua V. Chong, Founder/President na dinaluhan na dinagsa agad ng mga kustomer, pamilya at malalapit na kaibigan ng may-ari at pangulo ng kumpanya.

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Ginoong Chong, sinabi niya na ang The Pet Depot ay isang health at wellness store para sa may mga alagang Pet sa buong Pilipinas.

Anya, mayroon silang Pets foods, drinks, medicines at iba pa para sa maayos na pangangalaga ng mga paboriting Pets.

Sinabi pa niya, bukas sila sa nationwide delivery ng mga pagkain, inumin, gamot at iba pang pangangailangan ng mga paboritong alaga.

Ayon pa kay Ginoong Chong, 5 hanggang 7-araw ang delivery para sa mga probinsiya at 1 hanggang 2-araw sa National Capital Region (NCR).

Idinagdag pa ni Ginoong Chong na maaaring ipadala sa kanila sa www.thepetdepotph.com o sa kanilang store sa WPL Building, White Plains, Quezon City ang prescription para sa gamot ng Pets at ipadadala nila sa kustomer ang naaayon na gamot dito.

“Our focus will always be on the customer and how we can make pet care enjoyable, worthwhile, and affordable,”  pahayag pa ni Chong.

“We want to operate for a long time. Thus, our methods must align with long-term thinking,” dagdag pa niya.

Ang kanilang misyon ay, ” Be the trusted choice for discerning pet owners by offering a well-curated selection of high-quality pet supplies at prices grounded in reason.” (Joel O. Amongo)

148

Related posts

Leave a Comment