ANGAT DAM NASA ‘CRITICAL LEVEL’ ULIT

angatdam22

(NI KIKO CUETO)

MULING lumapit sa critical level ang tubig sa Angat dam nitong Linggo sa pagbagsak ulit ng lebel ng tubig nito.

Base sa tala ng Pagasa, naitala, Linggo ng alas-6:00 ng umaga ang water level sa 161.22 meters.

Mas mababa ito sa 161.45 meters na naitala noong Sabado.

Maging ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City ay bumaba rin nitong Linggo.

Nasa 72.36 meters ito base sa tala ng Pagasa ng alas-6:00 ng umaga.

Mas mababa ito sa 72.38 meters na naitala noong Sabado.

Ang Angat Dam at La Mesa Dam ang siyang pinagkukuhanan ng tubig sa Metro manila at karatig lalawigan.

180

Related posts

Leave a Comment