NEGOSYONG ITATAPON NG CHINA, PULUTIN NATIN – MARCOS

KAILANGANG maging agresibo ang gobyerno na mahikayat ang mga dayuhang manufacturer na nakaambang umalis ng China. Ayon kay Senador Imee Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, nagbabalak na ang Japan, United States at European Union na ilipat ang produksyon ng kanilang mga kinakailangang produkto dahil sa naging kakulangan ng supply mula China bunsod ng COVID-19 pandemic. Idinagdag pa ni Marcos, mismong mga Chinese manufacturer aniya ay nagpaplano na ring ilipat sa mga kalapit-bansa nito ang kanilang negosyo para makaiwas sa mataas na bayad sa taripa na ipinatutupad ng…

Read More

JINGGOY LUMABAG SA LOCKDOWN GUIDELINES – DILG

NILABAG umano ni dating senador Jinggoy Estrada ang ilang panuntunan ng enhanced community quarantine nang magsagawa ito ng hindi awtorisadong relief operation sa San Juan City. Ayon ito kay Interior Secretary Eduardo Año kasunod ng pamamahagi ni Estrada ng libreng bangus sa lungsod kahapon. “Naintindihan naman natin ‘yung kagustuhan ni former senator Jinggoy na makatulong pero dapat ay ayon ito sa legal na pamamaraan at sa panuntunan ng ECQ guidelines,” ayon kay Año. Una nang inimbitahan ng San Juan City Police si Estrada matapos na hindi umano masunod ang social…

Read More

14 EMPLEYADO NG SENADO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID 19 Rapid Test ang 14 empleyado ng Senado na sumalang sa pagsusuri sa unang araw ng pagbabalik sesyon ng Kongreso. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang sa mga nagpositibo sa pagsusuri ang staff members ng ilang senador, waiter at ang iba ay mula sa Office of the Sergeant-at-Arms. “Sent them already to hospitals with swab tests then quarantine,” saad ni Sotto. Kinumpirma naman ni Senador Win Gatchalian na isa sa kanyang staff ang kabilang sa mga nagpositibo sa rapid test na ang nade-detect ay ang…

Read More

PINAKAMAINIT NA TEMPERATURA SA METRO, NAITALA NGAYONG ARAW

NAITALA ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila ngayong araw sa 36.5 degrees Celsius. Dakong alas-3:45 ng hapon nang pumalo sa nasabing temperatura sa Science Garden, Quezon City. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 41 degrees Celsius ang tinatawag na heat index o ang alinsangang naramdaman ng tao. Samantala, nakapagtala naman ang istasyon ng PAGASA sa Dagupan, Pangasinan at Sangley Point sa Cavite ng 50 degrees Celsius na heat index dakong alas-dos ng hapon. Nasa 48 degrees Celsius naman ang heat index sa Tanauan City…

Read More

ECQ SA METRO MANILA, POSIBLENG HINDI NA PALAWIGIN

MAAARING ibaba na lang sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region pagkatapos ng Mayo 15. Nabatid mula kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na kung pagbabatayan ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila, maaaring ikonsidera nang luwagan ang lockdown. “It looks like ga-graduate na ang Metro Manila sa May 15. By all indications, mukhang ga-graduate na tayo at mag-GCQ na tayo,” pahayag ni Malaya. Gayunman, may mga kritikal na lugar pa rin…

Read More

101 NEW RECOVERIES SA COVID-19, RECORD HIGH – DOH

ITINUTURING ng Department of Health na ‘record high’ ang bagong naitalang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19. Sa inilabas na case bulletin ng kagawaran, may 101 reported recoveries ngayong araw. Kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit ay pumalo na sa 1,315. Nalampasan nito ang record ng reported recoveries kahapon na 90. Ngunit sa kabila nito, may 262 bagong bilang ng mga tinamaan ng sakit. Dahil dito, umakyat ang total ng confirmed cases sa 9,485. Nananatiling may pinakamaraming kaso mula sa National Capital Region na sinundan ng Central…

Read More

INTERES SA CREDIT CARD LOANS BAWASAN

DAHIL hindi lamang ang poorest of the poor kundi maging ang mga middle class ayapektado ang pinansyal sa COVID-19 pandemic, hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na bawasan ang interest rates na ipinapataw ng credit card companies sa may 10 milyong credit card holders. Ginawa ni Surigado del Sur Rep. Johnny Pimentel ang nasabing apela sa mga credit card company dahil masyadong mabigat umano ang 3.5% na interest rate na ipinapataw ng mga ito sa mga credit card holder. “This is not just about pain-sharing. We are actually counting on…

Read More

IMPORTED OIL PRODUCTS PINATAWAN NG 10% TAX HIKE NI PDUTERTE

NAGPATUPAD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng karagdagang buwis na 10% sa imported crude oil at refined petroleum products sa hangarin ng pamahalaan na makapangalap pa ng pondo para tugunan ang COVID-19 crisis. Ang karagdagang buwis, bukod sa umiiral sa Most Favored Nation at preferential import duties, ay pansamantala lamang. Isang Executive Order 113 ang nilagdaan ni Pangulong Duterte nito lamang May 2. Kabilang sa sakop ng kautusan ay ang petroleum oils at oils na nakuha sa bituminous minerals at crude; petroleum gases at iba pang gaseous hydrocarbons; at waste…

Read More

STRANDED NA 250 KATAO, BALIK-PROBINSYA

CALAMBA CITY, Laguna – Balik probinsya na ang halos 250 katao na inabutan ng lockdown sa National Capital Region at Calabarzon area. Nabatid na ipinasundo kamakalawa ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang mga kababayan na inabutan ng lockdown sa lugar ng kanilang trabaho. Nagsimula ang programa ng gobernador noong Marso 23 at ngayon ay halos 1,000 katao na ang kanilang natulungang makauwi. Nagpadala ng limang bus ang pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon para gamitin ng mga magbabalik-probinsya at nagsilbing terminal nito ang bus station sa Brgy. Turbina sa Calamba. Ayon kay…

Read More