BINATA NALUNOD SA PANGINGISDA 

LAGUNA – Nalunod ang isang 18-anyos na binata habang nangingisda sa Laguna lake sa Barangay Malaban, Biñan City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Batay sa report ng Biñan City police, nakita na lamang ng kanyang kapatid ang walang malay na biktimang si Lester Casalme habang nakalubog sa lawa at nakapulupot sa paa nito ang lambat. Agad itong isinugod sa Ospital ng Biñan ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Ayon sa kapatid nito na si Ian Casalme, naghiwalay sila ng biktima nang lumusong ito sa tubig habang…

Read More

SARILI NATAGA NI LOLO, PATAY 

LAGUNA – Patay ang isang 74-anyos na lalaki makaraang mataga ang sarili habang nangunguha ng baging sa bayan ng Cavinti sa lalawigang ito. Kinilala ang Cavinti police ang biktimang si Rodolfo Duma, residente ng Barangay Labayo. Ayon sa pamilya ng biktima, Sabado ng gabi nang matagpuan nila ang wala nang buhay na biktima sa gubat sa Sitio Tabas, tatlong kilometro ang layo mula sa kanilang bahay. May tama ng taga ang paa nito na nababalutan ng damit nang kanilang matagpuan. Paniwala ng mga kaanak, nataga nito ang kanyang sarili habang…

Read More

2 ABU SAYYAF, PATAY SA ENGKUWENTRO

TAWI-TAWI – Dead on the spot ang dalawang kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group nang makasagupa ang pinagsanib na puwersa ng mga pulis at militar sa lalawigang ito. Sa ulat ni AFP Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana , naka-engkuwentro ng ASG kidnap for ransom ang pinagsanib na pwersa ng Marine Battalion Landing Team-6, Tandubas Municipal Police Station, at Provincial Mobile Force Company  sa Barangay Taruk, bayan ng Tandubas noong nakalipas na Linggo. Ayon kay Lt. Col., Arvin Encinas, WESMINCOM spokesman, tumagal nang mahigit sa 10 minuto ang sagupaan…

Read More

OFWs: REBOLUSYON VS PHILHEALTH; OWWA, MAY AYUDA SA MGA OFW

AKO OFW

HALOS magdeklara ng rebolusyon ang mga OFW dahil sa bagong patakaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung saan ang mga OFW ay kailangang magbayad ng halagang katumbas ng 3% sa kabuuang sweldo nito at tataas pa ito sa mga susunod na taon. Sangkaterbang online petitions na ang naglalabasan at isa nga rito ay mula sa Change.org na umaabot sa mahigit 241,700 ang umayon. Samantala, ang Ako OFW naman ay gumawa rin ng panawagan kay Senator Christopher “Bong” Go na chairman ng Senate Health Committee. Maganda naman ang konsepto ng pagkakaroon ng…

Read More

PAGKAKAISA, SUSI NG TAGUMPAY SA COVID-19

SA GANANG AKIN

MARAMING pagkakataon na nating nasaksihan ang mga magandang epekto ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng ating bansa lalo na kapag may kinakaharap tayong pagsubok gaya ng mga kalamidad at ngayon, pandemya. Kapag nagkakaisa ang publiko at pribadong sektor, mas nagiging mabilis at madali ang pagharap sa mga pagsubok. Ito ay muling napatunayan nang matapos at makumpleto na ang ‘We Heal As One Center’ na gagamiting pansamantalang treatment facility para sa mga overseas Filipino worker na isasailalim sa mandatory quarantine at para rin sa mga nagpositibong kaso ng coronavirus disease…

Read More

Amoy pulitika? JINGGOY ESTRADA NAMIMIGAY NG RELIEF GOODS, HINULI  

PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, sapagkat maraming residente rito ang tinamaan ng coronavirus disease-2019 (COVID-19), ngunit si Jinggoy Estrada na natalong senador nitong eleksyong 2019 ay nag-ikot sa San Juan City ngayong hapon ng Mayo 3 dahilan para damputin siya ng mga pulis. Ayon sa impormasyong nakarating sa Saksi Ngayon, si Estrada ay namamahagi ng relief goods sa ilang residente ng lungsod nang hulihin ito ng mga pulis. Si Estrada ay nakasuot ng face shield nang mahuli. Ayon kay Mayor Francis Zamora,…

Read More

85 NAGPOSITIBO SA COVID-19 MASS TESTING SA TONDO

UMABOT sa 85 katao ang nagpositibo sa COVID-19 base sa isinagawang mass testing sa 1,133 residente kasunod ng ipinatutupad na 48-oras na lockdown sa unang distrito ng Tondo, Manila na magtatapos sa Mayo 5. Patuloy ang pagsasagawa ng mass testing ng Manila Health Department (MHD) upang matukoy ang mga taong kontaminado ng virus sa lungsod. Kasabay nito, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 176 katao na lumabag sa umiiral na lockdown ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) hanggang alas-5:00 ng madaling araw…

Read More

BENEPISYONG SAP SA SENIORS, I-DOOR TO DOOR – SOLON

NAIS ng isang mambabatas na ideliver sa mismong tahanan ng mga senior citizen ang kanilang ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP). “Huwag na nating hintayin pang may masamang mangyari sa ating mga senior citizen at PWDs sa kahihintay ng SAP kung pupwede namang door to door delivery.” Ito ang suhestiyon ng Senior Citizen party-list para mapadali ang pagbibigay ayuda sa nakatatanda at mga may kapansanan. Ayon kay Senior Citizen party-list Representative Fransisco Gamboa Datol, matagal na sanang dapat natapos ang distribusyon ng SAP kung ipinaubaya nila sa door-to-door…

Read More

SCHOOL OPENING ILILIPAT SA SETYEMBRE

GAGAWIN nang Setyembre ang school opening sa halip na Hunyo kaya’t nakatakdang amendahan ng Senado ang Basic Education Law, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. Sa panayam, sinabi ni Sotto na kailangan amendahan ang naturang batas upang hindi malagay sa alanganin ang Palasyo sa deklarasyon na gagawin nang Setyembre ang pasukan. “Una sa lahat, magpapasa dapat kami ng batas na maiiwas na magba-violate ang Executive Department ng batas. Eh kasi nagdedeklara na September na raw ang pasukan, di ba?,” ayon kay Sotto. “Merong batas na June ang pasukan. Kaya…

Read More