KARAPATAN, KALAYAAN NG MAMAMAHAYAG, TINIYAK SA DUTERTE GOVERNMENT

GINARANTIYAHAN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na patuloy na poprotektahan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang karapatan at kalayaan ng mga mamamahayag sa bansa. Nakiisa si Sec. Andanar sa mga journalist at media workers sa bansa at sa buong mundo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day ngayong araw, Mayo 3. Ang nasabing petsa ay pinroklama bilang World Press Freedom Day upang itaas ang kamalayan ng kahalagahan ng press freedom at paalalahanan ang gobyerno ng tungkulin nito na igalang at i-uphold ang karapatan sa…

Read More

SENADO, KONGRESO BALIK-TRABAHO

TULOY ang pagbabalik sa trabaho ng mga mambabatas sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso bukas. Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na “physically present” siya sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Mayo 4 alinsunod sa legislative calendar sa kabila ng banta ng corona virus disease 2019 (COVID-19) upang pag-usapan ang pagbabago ng Rules at ilang bagay na makatutulong sa pagsugpo sa sakit. Sa panayam, sinabi ni Sotto na dadaluhan ang pagbubukas ng sesyon ng mahigit 12 mambabatas alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas. “Delikado or hindi,…

Read More

Solon sa dagdag-singil sa premium OFWs GINAGATASAN NG PHILHEALTH

GINAGATASAN ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) dahil sa kabila ng kinakaharap na pandemic sa coronavirus 2019 ay itutuloy pa rin ng mga ito ang pagdagdag ng kanilang premium. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang nasabing pahayag kasunod ng Circular 2020-014 na inisyu ng PhilHealth noong Abril 2, 2020 na itataas na sa 3% ang premium ng OFWs ngayong taon. Mas mataas ito sa 2.75% na ipinataw ng PhilHealth na premium ng OFWs na ayon kay Brosas ay wala sa lugar lalo…

Read More

Quarantine facilities punuan na FLIGHTS SA 9 AIRPORTS SUSPENDIDO

NAIA-7

ISANG linggong suspendido ang flights sa siyam na international airports sa bansa simula ngayong araw. Nabatid na nagdesisyon ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pansamantalang higpitan ang flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila at sa lahat ng iba pang international airports sa bansa. Sa kalatas na ipinalabas ng tanggapan ni National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., hindi kasama sa naging desisyong ito ang ‘Emergencies while enroute; Cargo Flights; Air Ambulance and medical supplies flights; Weather Mitigation Flights; at Maintenance Flights. Pinapayagan…

Read More

2nd wave ng COVID-19 posible BALIK-ECQ HIRIT NG LGUs

HINILING ng ilang lokal na pamahalaan na bumalik o magpatuloy ang kanilang lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine sa pangambang madagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19. Kabilang ang lalawigan ng Albay at Zamboanga City, sa humiling na ma-extend ang ECQ sa kanilang lugar matapos isailalim ito sa mas relaxed na general community quarantine. Sinabi ni Legazpi City, Albay Mayor Noel Rosal na ang buong lalawigan ay hindi pa handa na sumailalim sa GCQ gaya ng nauna niyang pahayag. “May resolution ang local task force ng COVID-19…

Read More

Rep. Nograles sa mga bagong abogado SUMAMA SA PAGTATANGGOL SA FRONTLINERS

NANAWAGAN si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa mga bagong abogado na sumama sa pagtatanggol sa mga frontliner sa COVID-19 pandemic na nakararanas ng diskriminasyon sa pagganap sa kanilang tungkulin. Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan matapos ilabas ng Korte Suprema noong nakaraang linggo ang listahan ng mga abogadong nakapasa sa 2019 Bar Examination. “Of course, congratulations are in order. Pinaghirapan ng mga bagong abogado ang tagumpay nila ngayon. But as we always say, the hardest part starts now,” ayon kay Nograles. “Our new lawyers are welcomed into the…

Read More

MOCHA SABLAY NA NAMAN

PUNA

HINDI magandang ehemplo ang ginawa ni Mocha Uson na sa kabila nang bawal ang pagtitipon bunga nang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay nagawa pa rin niyang dumalo sa pagtitipon ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Lian, Batangas kamakailan. Kitang-kita sa social media post noong Abril 26, 2020 na si Uson, bagaman nakasuot ng face mask, ay may mga katabing lalaking OFWs at nakapalibot sa kanila ang iba pa. Si Uson, deputy for administration ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),…

Read More

MASYADONG MAGULO ANG ISYUNG ‘SAP’

Badilla Ngayon

NAPAKAGANDA ng layunin ng Social Amelioration Program (SAP) sapagkat namahagi ang administrasyong Duterte ng pera sa mga apektado ng  enhanced community quarantine  (ECQ) sa Luzon dulot ng coronavirus disease  2019 (COVID-19). Ngunit, kahit hindi isinama sa ECQ ang Visayas at Mindanao, hindi kinalimutan ng pamahalaan ang mga pinakamahihirap na pamilya sa dalawang islang ito. Mayo 3 na ngayon, pero masyadong magulo pa rin ang isyu hinggil sa pamamahagi ng pera sa mga pinakamahihirap na pamilya mula sa SAP. Sabi ng Department of Budget and Management (DBM) noong Abril 16, P205…

Read More

Mga residente ng Brgy. Sta. Monica, nag-panic NAG-REPACK NG RELIEF PACKS SA QC, COVID-19 POSITIVE

NANGANGAMBA ang mga residente ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City na posibleng maraming nahawaan ang isang ginang sa kanyang mga kasamahan na nag-repack ng relief goods matapos itong magpositibo sa COVID-19. Ayon sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, mula sa kaibigan ng hindi pinangalanang biktima, nakaramdam umano ito ng mga sintomas na tulad ng nararamdaman sa COVID-19. Kung kaya’t kamakalawa ay kusa itong nagtungo sa Novaliches District Hospital sa Brgy. San Bartolome, Quezon City para magpasuri. Lumitaw sa resulta ng pagsusuri na positibo ang biktima kaya hindi ito pinayagang…

Read More