MAS mababa na kumpara sa dati ang naitatalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa anunsyo ng Department of Health. Sa ulat ng DOH, hanggang 4:00pm kahapon ay nakapagtala ng 111 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat na sa 6,710 ang kabuuang kaso sa bansa. Siyam namang pasyente ang binawian ng buhay dahilan para maitala ang 446 kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa. Patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa virus matapos madagdagan ng 39 pang pasyente kaya umabot na sa…
Read MoreAuthor: admin
4K KWALIPIKADONG PAMILYA SA LAS PIÑAS TUMANGGAP NG SAP CASH ASSISTANCE
UMAABOT sa halos 4,000 kwalipikadong pamilya sa Las Pinas City ang nakatanggap ng tig-P8,000 cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19. Ayon kay City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Chief Junet Barilla, simula nang mag-umpisa sila ng pagbibigay noong Abril 15 ay nasa limang barangay na kinabibilangan ng mga benepisyaryo mula sa Ilaya, Pulang Lupa Dos, CAA, Talon 3 at Almanza Dos na ang kanilang nabigyan ng cash aid. Isinumite na rin…
Read MoreMGA OSPITAL PINASISILIP SA PINAGKAKAKITAANG PPE DONATIONS
PINAGKAKAKITAAN ng ilang tiwaling private hospitals ang mga personal protective equipment (PPEs) na dino-donate sa kanila ng iba’t ibang grupo dahil kasama ito sa sinisingil nila sa mga pasyente ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19. Ito ang isiniwalat ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrera kaya nanawagan ito sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipatigil ang kalakarang ito ng mga pribadong pagamutan. “We call on the DOH and IATF to punish private hospitals that are taking advantage of the…
Read MoreOPERASYON NG POGO, PAG-AARALAN PA KUNG IBABALIK NI PDU30
ANG posibleng pagpapatuloy ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay isa sa mga maaaring desisyunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaalinsabay ng ibababa nitong pasya hinggil sa itatakdang set-up pagkaraan ng April 30. Inirekomenda kasi ng Department of Finance na magkaroon na ng resumption sa operasyon ng POGO. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kabahagi ang POGO sa suma total na dapat desisyunan ng Presidente at sa katunayan ay tinitiyak na rin ngayon ang mga industriya na maaaring makapag-operate muli at ang mga hindi pa pupuwede. Ayon kay Sec. Roque,…
Read MoreDILG, KAKALAMPAGIN NG SENADO SA SAP
KAKALAMPAGIN ng Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa aktwal na bilang ng mga nabigyan na ng cash assistance sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ayon kay Senate President Tito Sotto, aalamin din nila mismo sa DILG ang report mula sa mga lokal na pamahalaan hangang sa barangay hinggil sa estado ng implementasyon ng SAP. Sa report ng Executive Department sa Senado, nasa 91 percent na ng pondo para sa unang buwan ng implementasyon ang naibaba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)…
Read MoreRETIRADONG SUNDALO PATAY SA QC QUARANTINE CHECKPOINT
PATAY ang isang retiradong sundalo matapos umanong makipagsagutan sa mga pulis sa ‘quarantine control point’ sa Quezon City nitong Martes ng hapon. Nais ng pamilya ng napatay na si Winston Ragos, 33, residente ng No. 65 Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Pasong Putik, QC na paimbestigahan ang pamamaril dito. Ayon sa ulat ni PCAPT. Nick Fontanilla, hepe ng homicide section ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente sa Maligaya Drive kanto ng Sampaguita St., Pasong Putik, QC, dakong alas-2:30 ng hapon. Abala umano sa pagmamantine sa ‘Quarantine Control…
Read More150 MIYEMBRO NG AFP, ITINALAGA SA LOCKDOWN SA SAMPALOC
TINATAYANG 150 sundalo ang magbabantay sa loob ng 48-oras na hard lockdown na iiral sa Sampaloc, Manila simula alas-8:00 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-8:00 ng gabi sa Sabado, Abril 25. Ang mga sundalo ay makakasama ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at barangay sa pagbabantay at panghuhuli ng mga pasaway. Ang hard lockdown ay ipatutupad para bigyan daan ang surveillance, testing at swabbing ng mga residenteng pinaghihinalaang apektado ng COVID-19. Ito ay makaraang iulat na ang Sampaloc District ang may pinakamaraming bilang ng mga nagpositibo sa nasabing…
Read MoreSa Calamba, Laguna MGA ‘DI KASAMA SA SAP, TATANGGAP NG P3K
LAGUNA – Magbibigay ng P3,000 sa bawat pamilya ang lokal na pamahalaan ng Calamba City sa halos 80,000 pamilya na hindi nakasama sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program (SAP) dahil 69,000 pamilya lamang ang nasa kanilang listahan na magbebenipisyo sa nasabing tulong mula sa national government. Sa napagkasunduang budget na ipamamahagi, halos P250 milyon ang naaprubahan ng Sangguniang Panglunsod na kanilang ipamamahagi sa susunod na mga araw. Ayon kay Mayor Justin Chipeco, tugon ito ng Calamba City sa ilang pamilya ngayong panahon ng krisis. Programa…
Read MorePILING MGA LUGAR, ISAILALIM SA LOCKDOWN!
KUNG sa pag-aaral ng Duterte Administration na dapat ay magkaroon na lamang ng mga piling lugar na isailalim sa total lockdown aba’y mas mainam na hakbang ito. Sabagay nga kung a ting susuriin ang nangyari sa bansang China, tanging ang mga lugar lamang naman na mayroong grabeng kontaminasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang kanilang isinailalim sa total lockdown kung saan ay nagtagumpay silang pigilan ang pagkalat ng virus iba pang mga lugar sa China. Maaari ngang gawin ni Pangulong Duterte ang kaparehong hakbang ng China upang makakilos…
Read More