Paalala ng Malakanyang para lumuwag sa checkpoints RAPIDPASS SYSTEM PAIRALIN

PARA lumuwag naman ang checkpoints dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ay pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga pulis at sundalo na i-apply ang RapidPass system, isang virtual identification system na inaasahang magagamit ang QR code technology. “Ibig sabihin lahat po ng iniisyung ID ng IATF ay patuloy pa rin pong kikilalanin,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Aniya, ang enrolment para sa RapidPass system ay kailangang gawin nang boluntaryo at dapat ay ma-cover ang mga private sector entities o indibidwal. Ang RapidPass System ay binuo ng Department of…

Read More

271 BAGONG KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA ng 271 bagong confirmed COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) ngayong araw, April 23, kaya pumalo na sa 6,981 ang total na bilang ng mga nagpositibo sa sakit sa bansa. Ang bilang naman ng namatay ay nadagdagan ng 16 kaya umakyat ang death toll sa 462. Sa kabila nito, nananatiling mataas ang numero ng recoveries dahil sa 29 na bagong naitalang gumaling. May 722 kabuuang bilang na ng COVID-19 recoveries. Samantala, nakapagtala ng unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prison, ayon sa Bureau of Corrections. Ito…

Read More

PRANGKISA NG ABS-CBN, 10-ARAW NA LANG

SAMPUNG (10) araw mula bukas ay mapapaso na nang tuluyan ang prangkisa ng ABS-CBN. Ito ang tila paalala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya nanawagan ito na isalang agad sa pagdinig ng House franchise committee ang prangkisa ng nasabing TV network pagbalik ng Kongreso sa kanilang trabaho sa Mayo 4. “The franchise of ABS-CBN will expire on May 4, and I submit that it is prudent that a hearing of the legislative franchise committee be called on the same day to…

Read More

INFO DISSEMINATION SA COVID-19 INIATANG KINA SEC. ROQUE AT USEC VERGERIE

INIUTOS ng Office of the Executive Secretary na ang information-sharing kaugnay sa COVID-19 ay centralized sa pamamagitan ng Office of the Presidential Spokesperson. Wala namang ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung ano ang basehan sa bagong sistema na ito. “Hindi ko po alam ang basehan ng decision. Pero ang sabi ko nga po nung unang tinanong ako ng isang Usec ng PCOO, eh I defer to the construction of Secretary (Karlo) Nograles on the memo,” ayon kay Sec. Roque. Nakasaad aniya sa memo na ang tanging awtorisado na magsalita…

Read More

QUARANTINE, LUWAGAN NA 

BADILLA NGAYON

PITONG araw na lang, tapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon ngunit pihadong hindi pa tapos ang ating pakikibaka laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paksa ngayon sa media ang samu’t saring konsepto ng quarantine tulad ng ­modified community-quarantine (MCQ) at ­general community quarantine (GCQ) na pamalit sa ECQ. Alinman sa dalawa, basta ang pinag-aaralang imungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATFM–EID) kay Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng pinalawig na ECQ sa Abril 30 ay iyong maluwagan ang galaw ng ekonomiya. Ibig…

Read More

PANANAKOP NG CHINA SA PINAS TODO NA

BILANG Filipino, hindi ko matanggap ang harap-harapang pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West ­Philippine Sea (WPS) at masakit sa kalooban na hindi man lang tayo lumaban kahit papaano. Nakakahiya sa ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para makalaya tayo sa mga Kastila, Hapon at Amerikano na nanakop sa ating bansa ang pananahimik ng halos lahat ng mga Filipino ngayon lalo na ang mga lider ng bansa. Tuluyan nang inangkin ng China ang WPS dahil ginawa na nila itong ­“Nansha District” na sakop ng Sansha City at…

Read More

MODIFIED QUARANTINE NANGINGIBABAW SA REKOMENDASYON KAY PDU30

NANGIBABAW ang rekomendasyon na magpatupad ng modified community quarantine pagkatapos ng April 30. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng inaasahang ibababang pasiya ng Chief Executive mamaya sa kanyang public message kung mananatili o aalisin na ba ang Luzon enhanced community quarantine. Ani Sec. Roque, bagama’t ang karamihan sa mga ekspertong kinunsulta ng Pangulong Duterte ay rekomendado ang modified quarantine ay sa bandang huli ay nasa Pangulo pa rin ang desisyon kung ano ang hakbang na ipatutupad nito pagkalipas ng Abril 30. Mahirap aniyang pangunahan kung…

Read More

DILG: KRITIKAL ANG TRABAHO NG BRGY VS COVID – 19

MULING ipinarating at ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mahigit 42,000 pamahalaang barangay sa bansa ang “kritikal” na papel nito sa pagsugpo sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Kaya, ipinunto ng DILG sa pinakabagong kalatas nito na isinapubliko nitong Abril 22 na obligadong kumilos at mahigpit na ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon, partikular ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs). “Kayong mga nasa barangay ang mas nakakaalam at nakakakita ng situwasyon sa komunidad. Kayo ang mga kamay at paa ng…

Read More

PAGBEBENTA NG COAL PLANTS DAPAT PIGILAN

KULANG ang ginawang pagbawi ng Ayala Corporation na sinabing hindi na nila itutuloy ang kanilang ‘Coal Investment’ sa bansa sa taong 2030 kung ibebenta naman ng mga ito ang kanilang mga planta sa ibang generation companies (GenCos). Ito ang inihayag ng grupo ng Power for Peoples Coalition (P4P) kasunod ng anunsyo ng nasabing kumpanya na hindi na sila mamumuhunan pa sa Karbon. “If Ayala Corporation can make good on its promise, and it does not transfer its coal assets to other companies but rather shuts them down completely, then this…

Read More