SA P275 bilyong itinakda ng bagong batas na “Bayanihan to Heal as One,” P205 bilyon na ang inihatag ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 18 milyong mga mahihirap na pamilya sa buong bansa. Bawat pamilya sa 18 milyong mahihirap at hindi kabahayan o “household” ang bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 bawat isang buwan sa loob ng dalawang buwan (Abril at Mayo). Ito ang nakasaad na nilalaman ng Social Amelioration Program (SAP) sa Bayanihan Law. Mahalaga po ang nasabing probisyon…
Read MoreAuthor: admin
TOTAL LOCKDOWN SA LUZON HINDI INIREKOMENDA KAY PDU30
TINIYAK ni Presidential spokesperson Harry Roque na walang nagrekomenda ng total lockdown o panibagong extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon bilang opsyon sa nalalapit na pagtatapos ng ECQ sa Abril 30. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi napag-usapan sa pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte, government officials, at medical experts ang pagpapatupad ng total lockdown bilang susunod na hakbang ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic sa bansa. Aniya, walang suhestiyon na nangyari hinggil sa patuloy na implementasyon ng lockdown sa Luzon, na nakatakdang…
Read MoreTELCOS GAMITIN SA PAMAMAHAGI NG CASH AID
IMINUNGKAHI ni Senador Kiko Pangilinan na gamitin ang mga telecommunication company sa pamamahagi ng cash assistance sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic. Inirekomenda ni Pangilinan kay Health Secretary Francisco Duque, chair ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na gamitin ang serbisyo ng mga telco para sa money transfers. “Nauunawaan natin ang hirap na kinakaharap ng pamahalaan sa pag-distribute ng emergency cash assistance. Ito’ng minumungkahi naming alternatibong paraan ay para mabilis na makaabot ang tulong sa mahihirap at gutom,” saad…
Read MoreANTI-DRUG OPS ISABAY SA ANTI-COVID-19 CAMPAIGN
NANINIWALA ang chairman ng House committee on dangerous drugs na nag-o-operate pa rin ang mga sindikato ng droga sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil malaki na aniya ang shortage ng ilegal na droga Dahil dito, inatasan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Philippine National Police (PNP) na huwag lang sitahin kundi bulatlatin ang mga sasakyan na dumadaan sa mga COVID-19 checkpoint. “Base sa mga impormasyon kong natatanggap, may malaking shortage sa supply ng droga sa kalye dahil sa ECQ laban sa Covid-19. We also received…
Read MoreDESISYON NI PDU30 SA ECQ IHAHAYAG SA HUWEBES
SA darating na Huwebes, Abril 23 ay magdedesisyon na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) na inaasahang magtatapos sa April 30. Sa isang text message ay sinabi ni Sen. Bong Go, sa ngayon ay pinag-aaralang mabuti ng Pangulo ang kanyang magiging desisyon. “Ngayon po ay pinag-aaralang mabuti at ngayong Huwebes magdedesisyon ang ating Pangulo,” ayon kay Go. Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pakikinggan ng Pangulo ang mga magiging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious…
Read More140 COVID CASES NAITALA SA 24-ORAS
NAKAPAGTALA pa rin ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 140 confirmed coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa sa nakalipas na magdamag. Batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), hanggang 4:00 ng hapon ngayong Martes ay umakyat na sa 6,599 ang naitatala nilang kaso ng COVID-19. Nadagdagan naman ng siyam ang bilang ng mga namatay at patuloy ring dumarami ang bilang ng mga gumaling na sa karamdaman. Nabatid na nakapagtala pa ang DOH ng panibagong 41 recoveries kaya umabot na sa 654 ang kabuuan nito.…
Read MoreHiling ng FFW kay Bello P5K-P8K IBIGAY SA MANGGAGAWA
MULING hiniling kahapon ng Federation of Free Workers (FFW) kay Labor Secretary Silvestre Bello III na ibigay sa mga sahurang manggagawa ang P5,000 hanggang P8,000 ipinangako ng kalihim noong unang linggo pa lamang ng “enhanced community quarantine” (ECQ). Sa kanilang press statement na ipinadala sa Saksi Ngayon, sinabi ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW, na umaasa sila na ibibigay pa rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tig-P5,000 hanggang P8,000 ayudang pinansiyal nito sa mga sahurang manggagawang nawalan o natigil ang mga trabaho dulot ng ECQ…
Read MoreDISKARTE NG DOLE SA PAGBIBIGAY NG AYUDA IPINAGAGAYA SA DSWD
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na gayahin ng Department of Social Welfare and Development ang paraan ng Department of Labor and Employment sa pagmamahagi ng ayuda. Ayon kay Bagong Henerasyon (BH) party-list Representative Bernadette Herrera, epektibo ang pamamaraan ng DOLE sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 na tinawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na idinadaan sa mga money transfer outlet. Binanggit ni Rep. Herrera na kung ang DSWD ay dadaanin din ang pamamahagi ng SAP sa mga money…
Read MoreMALLS, DI PA DAPAT BUKSAN SA SUSUNOD NA 2 BUWAN
SA KABILA ng paniniwala na maaari nang ipatupad ang modified enhanced community quarantine o mas maluwag na quarantine, iginiit ni Senador Win Gatchalian na hindi pa dapat buksan sa susunod na dalawang buwan ang mga lugar kung saan marami ang nagtutungo tulad ng mga malls. Sa panayam ng Senate Media, sinabi ni Gatchalian na may mga industriya nang dapat magsimula muli ang operasyon upang makabangon na ang ekonomiya ng bansa. “Place of congregation yun eh. Basta may mga lugar na kung saan pwede magtipon, huwag na lang muna buksan sa…
Read More