HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na tutukan din ang disease hotspots tulad ng kulungan, palengke at urban poor communities dahil malaki ang posibilidad na kumalat ang corona virus 2019 (COVID-19) sa naturang lugar. Sa pahayag, hiniling din ni Hontiveros sa pamahalaan na paigtingin ang mass testing bago palawigin o magkaroon ng modipikasyon sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). “Kapag nagkaroon ng kaso ng COVID-19 sa mga kulungan, palengke, masisikip at matataong lugar kung saan nakatira ang marami nating mahihirap na kababayan, mabilis ang pagkalat…
Read MoreAuthor: admin
48-ORAS LOCKDOWN SA SAMPALOC
ISASAILALIM ang Sampaloc sa 48-oras na lockdown ngayong Linggo, ayon mismo kay Manila Mayor Isko Moreno. Ang lockdown ay ipatutupad upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa lugar. Ipaaalam naman ito sa mga residente, isang araw bago ito aktwal na ipatupad. Ngayong Lunes ay nakipagpulong si Moreno kina AFP Joint Task Force NCR Commander Brig. General Alex Luna at Manila Police District Brig. General Rolly Miranda. Kasama rin sa nasabing meeting si Station 4 Commander Lieutenant Colonel John Guiagui at si Barangay Bureau director Romeo Bagay. Ikinababahala ng alkalde…
Read More29 PROBINSYA SA PINAS, COVID-19 FREE PA
NANANATILING COVID-19 free ang 29 sa 81 probinsya sa Pilipinas. Ito ang napag-alaman sa mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na hati ang opinyon kung tuluyang aalisin o palalawigin pa ang enhanced community quarantine pagdating ng Mayo 1. Base sa listahan na nakarating kay House committee on health vice chairman Mike Defensor, ang mga probinsya na COVID-19 free hanggang ngayon ay Apayao, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Autonomous Region (CAR). Dalawa naman sa Region 2 na kinabibilangan ng Batanes at Quirino ang walang naitalang kaso ng COVID-19…
Read MoreBilang ng mga nakarekober nadagdagan din KASO NG COVID-19 6,459 NA
MULING tumaas ang bilang ng mga nakarekober na sa COVID-19 matapos makapagtala ng karagdagang 41 kaya may kabuuan na itong 613. Nadagdagan naman ng 200 panibagong kaso kaya sa kasalukuyan ay umabot na sa 6,459 ang kabuuang bilang ng may COVID-19 sa bansa. Nadagdagan din ang mga namatay at ngayon ay 428 na ang kabuuang bilang nito. Samantala, inanunsyo naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na darating na ang mga test kit mula sa United States na kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng 45 minuto hanggang 1…
Read MorePlanong mass gathering nabuking EX-ANAKPAWIS REP, 6 PA KINASUHAN
SINAMPAHAN na ng kaso ang anim na kasapi ng grupong Anakpawis gayundin ang dating kinatawan nito sa Kongreso dahil sa paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine matapos silang maharang sa checkpoint sa Bulacan nitong Linggo ng umaga. Ayon sa Department of Interior ang Local Government (DILG), malinaw na labag sa quarantine law ang ginawang relief operation ng grupo sa Brgy. Bigte, bayan ng Norzagaray. Sa Laging Handa Public briefing ay sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na unauthorized ang ginawa ng Anakpawis na kung saan ay kitang-kita naman aniya…
Read MoreDESISYON NI PDU30 SA ECQ IBABASE SA SIYENSIYA
SINABI ng Malakanyang na ibabase ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa siyensiya (science) ang kanyang magiging desisyon sa enhanced community quarantine sa Luzon na magtatapos sa Abril 30. Batid ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami ang nag-aabang sa magiging susunod na hakbang ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus crisis. Nakatakda namang makipagpulong ngayon si Pangulong Duterte sa mga health expert, kabilang na ang mga dating Kalihim ng Department of Health, upang kunin ang pananaw ng mga ito sa nasabing usapin. Bukod dito, patuloy rin ang meeting ng Inter-Agency Task…
Read MoreMALAKANYANG NAKIKIDALAMHATI SA PAGPANAW NI DATING SENADOR ALVAREZ
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya ni Environmentalist at dating senador at DENR Secretary Heherson Alvarez na pumanaw matapos ang ilang linggong pakikibaka sa Coronavirus Disease o COVID-19. “We pray that the perpetual light will shine upon Senator Sonny, and that his soul, through the mercy of the Almighty, may rest in eternal peace,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “The Palace expresses its deep condolences to the family, led by his wife Cecile, friends, colleagues of Senator Heherson “Sonny” Alvarez.” Matatandaang unang kinumpirma ng kanyang panganay na anak…
Read MoreAFP PINAGHAHANDA NI PDU30 SA MAS MAHIGPIT NA ECQ
PINAGHAHANDAAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mas mahigpit na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Matatandaang sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay pinaghahanda nito ang mga tauhan ng Sandatahang Lakas para sa pagpapatupad ng mas extensive na ECQ kung kaya’t tumatalima lamang dito ang mga tauhan ng AFP Nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque .na walang Martial Law na mangyayari dahil alinsunod sa batas ay maaari naman talagang tawagin ang AFP kahit pa walang executive order ang Pangulo upang tumulong o umagapay sa…
Read MoreTANOD, DAY CARE WORKERS SAP BENEFICIARIES NA RIN
NILINAW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bukod sa mga barangay health worker, kabilang na rin ang mga barangay tanod at day care center workers sa buong bansa sa 18 milyong Pinoy na makatatanggap ng ayuda sa Social Amelioration Program. Ang nasabing direktiba ay nakapaloob sa isang memorandum ng DILG na ipinadala ni Undersecretary Jonathan Malaya kay DSWD Secretary Rolando Bautista. Ang ginawang paglilinaw ng DSWD at DILG ay bilang tugon sa hiling ni BHW Party-list Rep. Angelica…
Read More