KADA pamilya at hindi kada bahay ang bibigyan ng P8,000 ayuda ng pamahalaan sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP) sa lahat ng informal sector tulad ng drivers at vendors, taliwas sa ipinamamalita sa barangay, ayon kay Senate President Vicente Sotto III. Sa panayam, sinabi ni Sotto na kahit tatlo ang bilang ng pamilya sa bawat bahay, bibigyan ng tig-P8,000 sila, hindi bawat bahay ang bigayan kundi bawat pamilya. “Kailangan talaga ipaalam, katulad niyan, sa isang household daw, ang bigayan ay isa sa isang house, eh tatlo yung pamilya roon.…
Read MoreAuthor: admin
Mga punong barangay kinalampag CAUSE OF DEATH NG CONSTITUENTS ALAMIN – PDU30
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga barangay captain na alamin ang dahilan ng pagkamatay ng sinoman sa nasasakupan nilang komunidad. Nakarating kasi sa Pangulo na may mga pamilya na tumatangging sabihin ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang kaanak upang magawa nilang makapaglamay o maiburol ang patay at hindi kunin sa kanila para i-cremate. “Ang problema natin yung not reported tapos namatay sa mga bahay-bahay at hindi ninyo alam COVID pala ang dahilan o ayaw ninyong sabihin kasi hindi kayo makapag- burol nang matagal o nahihiya kayo. Sa tatlong…
Read MorePULIS INATASAN NI PDU30 NA MAGHATID NG HEALTH WORKERS
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng libreng sakay pauwi ang mga health worker lalo na iyong nasa lansangan pa rin kahit dis oras na ng gabi. “The PNP is put on notice na kung ‘yung mga ganun, few public motor vehicles are running at saka yung may mga franchises, yung inside their houses… Police should come in,” ani Pangulong Duterte. Kaya ang payo niya sa mga health worker ay parahin ang makikitang pulis na makakasabay niya sa daan pauwi. “Snappy salute to…
Read MoreAPAT NA PUNTOS INILATAG NI PDU30 SA VIRTUAL ASEAN SUMMIT
LUMAHOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa virtual ASEAN leaders summit kaninang umaga, araw ng Martes, Abril 14. Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na apat na bagay ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa ASEAN summit. Pangunahin na aniya rito ang pangangailangan ng kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pag-manufacture ng mga medical equipment na panlaban ng medical health workers sa COVID-19 tulad ng personal protective equipment, face masks, ventilators at iba pa. Ang ikalawang ipinunto naman…
Read MoreMASS TESTING SISIMULAN NA SA MAYNILA
UPANG matukoy ang mga taong positibo sa coronavirus disease 2019, magpapatupad ng mass testing ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila. Binigyan ng basbas ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagsisimula ng localized targeted mass testing ng Manila Health Department (MHD) at anim na distrito ng ospital ng Maynila. Nabatid sa alkalde, kaya umanong magsagawa ng 232 COVID-19 swab test kada araw o 1,624 kada linggo. Ito umano ay gagawin sa MHD/Delpan Quarantine Facility, 50 swab tests kada araw; Ospital ng Maynila, 20 swab tests; Sta. Ana Hospital/MIDCC,…
Read MoreWalang ayuda simula’t sapul ng COVID-19 crisis QC NGANGA KAY PDU30, DOH – QCDRRMC CHIEF
WALANG natanggap na anomang suporta ang Quezon City government mula sa pamahalaang nasyunal simula nang pumutok ang coronavirus disease 2019 sa bansa. Ito ang akusasyon ni Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office head Mike Marasigan matapos suportahan ng mga residente ng lungsod ang panukala ni dating Department of Interior and Local Government chief Rafael Alunan III na i-takeover na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pamamahala sa lungsod. Mistulang inakusahan ni Marasigan ang pamahalaang Duterte at maging ang Department of Health (DOH) na pinabayaan ang kanilang lungsod pagdating…
Read MorePersonal info obligadong ideklara MULTA, KASO SA PASAWAY NA COVID PATIENT
MAAARING maparusahan ang mga pasyenteng na-diagnose na may COVID-19 kapag tumanggi silang magbahagi ng kinakailangang impormasyon ng Department of Health para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit. Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga coronavirus patient na hindi susunod sa kautusan ng pamahalaan ay maaaring kasuhan at pagmultahin dahil sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Hindi aniya maaaring tumanggi ang mga ito na magbigay…
Read MorePinas may mataas na fatality rate FRONTLINERS ILL-EQUIPPED – SOLON
HINDI na ikinagulat sa mababang kapulungan ng Kongreso na ang Pilipinas ang may pinakamataas na fatality rate sa hanay ng health professionals sa gitna ng pananalasa ng coronavirus disease 2019. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, isa sa mga dahilan nito ay ang kakulangan ng proteksyon ng mga health worker. Ginawa ni Castro ang pahayag matapos lumabas sa datos ng John Hopkins University na nagtala ang Pilipinas ng 9.95% na fatality rate sa hanay ng mga healthcare worker sa buong mundo. “Malaking porsyento ng mga namatay mula sa COVID-19…
Read MorePanawagang ilagay sa IATF control lumalakas QC BAGSAK SA ECQ IMPLEMENTATION
LALONG lumalakas ang panawagang isailalim sa control ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lungsod ng Quezon matapos itong mangulelat sa mga local government unit na maayos na naipatutupad ang pinaiiral na enhanced community quarantine. Sa media briefing kamakalawa ni National Action Plan chief implementer Carlito Galvez, tinukoy nito ang mga LGU na epektibong nakapagpapatupad ng ECQ sa kani- kanilang nasasakupan. Bagaman, isa sa mga prominenteng siyudad sa Kamaynilaan, hindi napabilang sa mga pinapurihan ang Quezon City. “Nagsilbing ehemplo ang LGUs ng Manila, Valenzuela, Marikina, Pasig, Baguio, Davao, Caraga, at Bicol…
Read More