3 GOBERNADOR, 2 MAYOR PINAGPAPALIWANAG Sa paglabag sa quarantine protocols

NAGLABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa tatlong gobernador at dalawang alkalde dahil umano sa paglabag sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mayroon lamang 48-oras ang mga hindi muna pinangalanang lokal na opisyal para magsumite ng written explanations. Kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag ay posible silang kasuhan ng administratibo sa Office of the Ombudsman dahil sa negligence, dereliction of duty, at paglabag sa Bayanihan Act. Mahaharap din sa kasong kriminal ang mga nasabing opisyal…

Read More

Solon sa PhilHealth: BUONG HOSPITAL BILL NG COVID PATIENTS, SAGUTIN

HINDI kakayanin ng mga ordinaryong Filipino ang milyong halaga ng pagpapagamot sa COVID-19 kaya dapat umanong sagutin ito nang buo ng Philipppine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ito ang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos mapag-alaman na may isang COVID-19 patient ang pinagbabayad ng hindi pinangalanang ospital ng P1.1 Million. Nabatid na 18 araw lang sa pagamutan ang nasabing pasyente subalit umabot sa P1.1 Million ang kanyang hospital bill o P61,000 kada araw na pananatili sa pagamutan. Dahil dito, umapela ang mambabatas sa PhilHealth at Inter-agency Task…

Read More

Barangay polls pina-aagahan TAMAD NA BRGY. SK OFFICIALS SIPAIN SA PWESTO

ITINUTULAK ng isang mambabatas na paagahin ang halalang pambarangay upang mapalitan ang mga opisyal nito na hindi nagtatrabaho sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ). Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo ang nasabing mungkahi dahil sa kaliwa’t kanang reklamo sa mga barangay at SK officials na hindi ginagampanan ang kanilang trabaho na ipatupad ang batas at tulungan ang kanilang mga constituent sa gitna ng ECQ. Base sa mga ulat, maraming barangay at SK officials ang hindi ipinatutupad ang social distancing sa kanilang nasasakupang lugar kaya pinangangambahang lalong kakalat ang…

Read More

Pinag-aaralan ng IATF sa mga barangay TOTAL LOCKDOWN SA MGA PASAWAY

PINAG-AARALAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng total lockdown sa mga barangay na hindi sinusunod ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ). Iminungkahi kasi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na gawing total lockdown ang mga barangay na maraming pasaway sa harap ng krisis sa coronavirus disease 2019. Ayon kay IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kasama ang mungkahi…

Read More

Bilang ng COVID-19 cases inaasahang lolobo pa NAMAMALIMOS SA QC DUMARAMI

NANGANGAMBA ang mga residente sa Quezon City na lalo pang darami ang bilang ng mga tatamaan ng coronavirus disease 2019 sa lungsod dahil sa pananatili ng mga tao sa lansangan sa kabila ng pinaiiral na enhanced community quarantine. Sa impormasyong nakarating sa Saksi Ngayon, imbes mawala ay nadaragdagan pa umano ang mga namamalimos sa kalsada sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Nitong Lunes, namataan ang grupo ng mga residente na kinabibilangan ng mga bata at matatanda na namamalimos sa bahagi ng Congressional Avenue, Aurora Blvd., E. Rodriguez Ave., Cubao area…

Read More

Mga kumokonsumo ng mas mababa sa 50kWh 1 BUWANG KURYENTE LIBRE – IATF

INANUNSYO ng Inter-Agency Task Force (IATF) na libre na ang March to April electricity bill ng mga tahanan na kumokonsumo ng mas mababa sa 50 kilowatt per hour o yung mga tinatawag na “lifeline consumers.” Ayon kay IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi lang mga electric consumer na taga-Luzon ang saklaw ng nabanggit na free of charge sa March to April billing kundi maging ang mahihirap na consumers sa Visayas at Mindanao. Tinatayang nasa tatlong milyong consumers aniya ang makikinabang sa naturang hakbang na inisyatibo ng NEA, Philreca…

Read More

PAMPAGULO SA PANGULO 

PRO HAC VICE

TALAGA bang mayroong mga taong sa halip ang isipin ay makatulong sa kinakaharap na krisis ngayon ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o ­COVID-19 ay mas ninais pa na makapanggulo? Isipin naman ninyo mga ka-SAKSI itong petisyon na inihain sa Korte Suprema ng isang nagngangalang Atty. Dino De Leon noong nakaraang Lunes ng hapon na humihiling sa Kataas-taasang Hukuman na atasan si Pangulong ­Rodrigo ­Duterte na ilabas ang mga impormasyon ng kanyang pisikal na ­kondisyon nang maupo ito bilang presidente ng bansa. Tanong lang kay Atty. De Leon, talaga…

Read More

NAPAKARAMI NANG NAITULONG NG MGA NEGOSYANTE

Badilla Ngayon

BILANG isang ­journalist, trabaho, tungkulin at ­obligasyon kong ibalita at isiwalat ang mga nagaganap sa ating lipunang ngayong mayroong lockdown sa Luzon at ­maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao dulot ng coronavirus ­disease 2019 (COVID-19) upang malaman ng publiko ang mga kaganapang ito, positibo man o negatibo, mabuti o masama, sapagkat apektado ang publiko sa mga pangyayaring ito. Kung ibinalita natin na maglalabas ng P200 ­bilyon ang administrasyong Duterte upang ipamahagi sa mga pamilyang mahihirap na apektado ng “community quarantine” (CQ) ang trabaho o kabuhayan, kailangang bantayan upang isiwalat kung…

Read More

Babala ni PDu30 sa mga Pinoy SECOND AT THIRD WAVE NG COVID-19 PAGHANDAAN

DAPAT maging handa ang mga Filipino para sa dalawa pang ‘waves’ ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections. Ang paliwanag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang lahat ng confirmed COVID-19 cases ay nabibilang sa first wave of infections. Aniya, kalaunan ay masusundan ito ng second at third wave na kinabibilangan naman ng mga taong hindi pa nade-develop o ngayon pa lamang nade-develop ang sintomas. “Ganoon ang epidemic. Habang namamatay ‘yung unang tinamaan, ‘yung iba nahawa lang, bago lang, sila ang second wave,” aniya pa rin. Sinabi ng Pangulo na ang third…

Read More