Mahihirap sa Maynila at P’que inuna DSWD SINIMULAN NANG MAG-RELEASE NG CASH AID

SINIMULAN nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development ng tulong pinansiyal sa mahihirap na Filipino sa lungsod ng Maynila at Parañaque upang tulungan ang mga itong ibangon ang kanilang buhay mula sa coronavirus pandemic. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga pamilya sa Maynila at Parañaque na karapat-dapat makatanggap ng subsidy ay pupuntahan ng kinatawan ng pamahalaan. Ang pamamahagi naman ng cash aid sa ibang bahagi ng bansa ay susunod na sa darating na mga araw. “We have been informed by the DSWD that the subsidies will…

Read More

PROTESTA MAIIWASAN KUNG WALANG KUMAKALAM NA SIKMURA

KUNG magpapatuloy ang pagkalam ng sikmura ng mamamayan sa gitna ng enhanced community quarantine, dadami pa ang mga protesta kahit nagbabanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ito. Ito ang paniniwala ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago kasunod ng protesta ng mga taga-Sitio San Roque sa Brgy. Pa-asa, Quezon City na ikinagalit ni Duterte at binantaan ang mga ito na babarilin kapag lumaban sa mga pulis. “Kung laging dadaanin sa takot ni Duterte ang mamamayan kaysa pakinggan niya, at kung patuloy na kakalam ang sikmura ng taumbayan, siguradong mas…

Read More

PASTOR NAGSILBING B-DAY GIFT ANG PAGGALING SA COVID

NAKALABAS na sa pagamutan ang pastor na dinapuan ng COVID-19 sa Calamba, Laguna kaninang alas-10 ng umaga. Ang nasabing pasyente ay na-admit noong Marso 24, 2020 sa Calamba Medical Center. Nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 base sa resulta ng swab test noong Marso 28 bagaman wala siyang travel history abroad. Matapos ang ilang araw na pagpapagamot sa ospital, nakauwi na ngayong araw ang pastor eksakto sa kanyang 66th birthday. Nais niyang i-celebrate ito sa kanyang tahanan sa Brgy. Canlubang, Calamba City. Siya rin ang kauna-unahan sa tatlong COVID Patient…

Read More

COVID CASES SA PINAS, 2,633; 51 NAKAREKOBER

NADAGDAGAN pa ng mahigit 300 ang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na 322 ang panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw. Dahil dito, pumalo na sa 2,633 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit. May isang pasyente naman ang gumaling dahilan para umabot ang total recoveries sa Pilipinas sa 51. Labing isa naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umakyat na sa 107 ang bilang nito ngayon. Kaugnay nito, ikinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ulat na tatlong residente…

Read More

NEGROS OCCIDENTAL NILINDOL

NAITALA ngayong hapon ang magnitude 4.5 na lindol sa lungsod ng Sipalay sa Negros Occidental. Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-2:42 ng hapon sa layong 37 kilometro ng Sipalay City. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na walong kilometro. Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Sipalay City, Negros Occidental at Intensity II sa Bago City, Negros Occidental. Wala nang inaasahan ang Phivolcs na pinsala at aftershocks sa pagyanig. JG TUMBADO 268

Read More

INDIAN NATIONAL HULI SA OVERPRICED SCANNER

BINITBIT ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila, ang isang 31-anyos na Indian national makaraang mabuking sa overpricing at hoarding ng thermal scanner sa Sta. Cruz, Manila, iniulat kahapon. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7581 (Price Act) as amended by RA 10623 and RA 7394  Consumer Act of the Philippines), Article 14 of the RPC (Aggravating Circumstances),  DTI  Memorandum Circular No. 20-07 “Anti-Hoarding and  Anti-Panic Buying” at Proclamation No. 922 of PRRD, ang suspek na si Mukesh  Chandwani, account manager at  residente ng  #9 Indigo…

Read More

P15-M FACE MASK NASABAT NG CIDG  

AABOT sa halagang P15,120,000 ang face masks na nakumpiska ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Anti-Transnational Crimes Unit (ATCU) kasunod ng entrapment operation sa Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Paranaque City. Sa ulat na isinumite kay PNP chief Directorial Staff for Operation at pinuno ng Joint Task Force COVID-19 Shields Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang Wang Lin ang itinuturong bigtime hoarders at profiteers. Sinasamantala umano ni Wang lin ang kakulangan ng face mask sanhi ng umiiral na coronavirus 2019 disease sa bansa para mag-imbak at pataasin ang…

Read More

LALAKI SA QC KALABOSO SA PAGYAYABANG NG BARIL

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking nagyabang umano ng kanyang mga baril sa gusali ng Eastwood City Cyberpark sa Barangay Bagumbayan, Quezon City. Ayon sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakatanggap sila ng reklamo na nuong Marso 30 ay naglabas ng kanyang mahabang armas ang suspek na si Jose delos Santos III, 46-anyos, habang nasa loob ng gusali kung saan siya naninirahan. Nauna rito, nabatid sa QCPD na tumanggap ng delivery si delos Santos na hindi para sa kanya. Makikita naman sa nag-viral na video sa social…

Read More

‘SHOOT TO KILL’ SA NAGUGUTOM PINALAGAN

PINALAGAN ni Senador Panfilo Lacson ang bantang “shoot to kill” order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang manggugulo dahil sa gutom sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala naman bago sa kanyang pagbabanta. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na eksaherado at marahas ang banta ni Pangulong Duterte sa mga nagugutom na “troublemakers” dahil kapos ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa naiipit na mamamayan. “Definitely, the President’s warning to have “troublemakers” during the enhanced community quarantine shot was exaggerated and harsh. But coming from this President, what else is…

Read More