MAY COVID-19 SA NAVOTAS, UMAKYAT SA APAT

APAT na ang positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas, ayon kay City Mayor Tobias Tiangco. Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ng alkalde na nakatanggap siya ng update mula sa City Health Office na mayroon na namang nag-positibo sa COVID-19 sa lungsod, ang pang-apat na kaso ng nasabing sakit. Ayon pa kay Tiangco, ang pasyente ay residente ng Brgy. North Bay Boulevard South Kaunlaran. “Isinugod po siya sa Navotas City Hospital noong March 31 dahil inuubo po siya at hirap siyang huminga. Kinuhanan po siya ng specimen at kanina…

Read More

21 COVID-19 POSITIVE SA MALABON, VALENZUELA

PUMALO na sa 21 ang naitalang mga kaso ng COVID-19 positive sa lungsod ng Malabon at Valenzuela. Ayon sa ulat, mula Abril 1 ay umakyat na sa siyam ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon City kung saan tatlo sa mga ito ang namatay, habang isa naman ang nakarekober. Si patient 9 ay isang lalaking 85-anyos at residente ng Brgy. Bayan-bayanan na binawian ng buhay sa Manila Doctors Hospital. Umakyat naman sa 12 ang naitalang positibo sa COVID-19 sa Valenzuela City matapos na isang 29-anyos na lalaki ang nadagdag na…

Read More

MAY COVID-19 SA MAYNILA, 127 NA

UMAKYAT na sa 127 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Maynila, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Sa kanyang Facebook Live, inanunsyo ng alkalde ang nadagdag na 11 pang kaso mula sa 116. Nasa 337 naman ang bilang ng PUIs sa lungsod. Lima ang gumaling na at nagnegatibo na sa naturang sakit na binigyan ng ‘send-off ceremony’ ng Manila Infectious Disease sa Sta. Ana Hospital. Ayon pa sa alkalde, mayroon pang 1,324 na tinutugunan ngayon ang health care workers matapos matanggap ang sagot sa isinagawa nilang online health…

Read More

CARGO VEHICLES ‘DI NA HAHARANGIN SA CHECKPOINTS

ITINALAGA na ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) para bantayan ang biyahe ng mga cargo na bumibiyahe sa Luzon na saklaw ng enhanced community quarantine (ECQ) para mapabilis at makaiwas sa paulit-ulit na checkpoint. Ang JTF CV Shield ang siyang umaaktong enforcement arm ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, JTF CV Shield commander, aprubado ni PNP Chief Archie Gamboa ang desisyon na i-deploy ang mga HPG personnel…

Read More

SOLON SA BOC: NASAMSAM NA BIGAS, PAGKAIN,I-DONATE

UMAPELA si Davao City Rep. Paolo Duterte sa Bureau of Customs (BOC) sa Davao City na i-donate na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nakumpiska at inabandonang shipment ng mga bigas at pagkain. Ginawa ni Duterte ang panawagan upang maipamahagi na ang mga ito sa mga tao na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, may 100 hanggang 300 container ng bigas ang inabandona o kaya nakumpiska ng BOC sa Davao bukod sa 100 hanggang 300 containers ng mga dried…

Read More

DOLE: 34,253 OBRERO NABIGYAN NA NG SUBSIDY

IBINALITA ng Inter-Agency Task Force (IATF) na natanggap na ng 34,253 manggagawa ang one-time P5,000 subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang nasabing halaga ay tulong sa mga manggagawang lubos na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ). Maliban sa P5,000 CAMP subsidy, ang DOLE ay nakapag-distribute na rin ng 165,929 family food packs para sa mga manggagawa. Sa kabilang dako, sinabi ni CabSec Nograles na maaaring dumirekta ang mga apektadong manggagawa sa…

Read More

P4-K AYUDA SA MGA TSUPER NATANGGAP NA SA TAGUIG

NAGSIMULA nang makatanggap nitong Huwebes ng P4,000 na tulong pinansiyal ang mga drayber ng traysikel, jeep, at pedicab ng Taguig bilang ayuda ng pamahalaan. Unang nabigyan ang halos 700 kasapi ng SUBTODAI, UBTODAI, BCBTTODA, UBTSA and MPC, at CBDCUBTODA. Ang natitirang mga miyembro ay inaasahang makatatanggap din ng P4,000 sa susunod na mga araw. Mahigit 15,000 miyembro ng mga asosasyon ng traysikel opereytor at drayber (TODA), jeepney opereytor at drayber (JODA) at pedicab opereytor at drayber (PODA) ang tatatanggap ng ayudang ito mula sa pamahalaang lungsod. Sa susunod na buwan,…

Read More

Solons: Isang buwang konsumo isama sa ayuda sa consumers KURYENTE, TUBIG ILIBRE MUNA

NAIS ng isang grupo ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na huwag nang singilin ang isang buwang konsumo sa tubig at kuryente upang hindi mabaon sa utang ang mga tao. Ito ay dahil sinuspendi lang ang paniningil sa bills sa kuryente at tubig ngayong umiiral ang enhanced community quarantine. Ayon kay Neri Colmenares, chairman ng Bayan Muna party-list, tiyak na lalaki ang bills ng consumers sa tubig at kuryente pagkatapos ng ECQ dahil maiipon ito. Sinuspinde lang ng Manila Electric Company (Meralco), Maynilad at Manila Water ang paniningil…

Read More