MGA BILANGGO MAS NANGANGANIB SA COVID-19

PRESO-2

DAHIL hindi ubra ang social distancing sa mga bilangguan, mas nalalagay sa matinding panganib ang mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL) sa COVID- 19. Ito ang dahilan kaya hiniling ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na magpatupad ng dobleng pag-iingat sa mga bilangguan. “It only takes one positive case to infect the whole population of the jail,” babala ni Vargas lalo na’t mas naging siksikan ang lahat ng mga bilangguan sa bansa noong nakaraang taon. Nabatid sa kongresista na tumaas…

Read More

TRAVEL BAN SA FOREIGNERS PAIIRALIN MULA BUKAS

PAGBABAWALAN na munang pumasok sa bansa ang mga dayuhan simula bukas, Marso 22, ayon na rin sa Department of Transportation (DOTr). Ito’y kasunod ng kautusan ng Department of Foreign Affairs na suspendihin ang visa issuances at visa-free privileges dahil sa banta ng COVID-19. “There will be a temporary travel ban on foreigners entering the country starting 12 a.m., 22 March 2020,” sinabi ng DOTr sa isang kalatas. Naunang naglabas ang DFA ng Foreign Circular No. 29-2020, na nakasaad na ang “visa-free privileges including those based on Visa Waiver Agreements, those…

Read More

LOCKDOWN SINAMANTALA PARA MAGBENTA NG DROGA

HINDI nakalusot ang apat katao na tinangkang magbenta ng ilegal na droga matapos silang masabat ng mga operatiba ng Manila Police District sa buy-bust operation sa Tondo, Manila ngayong gabi. Arestado ang mga suspek na sina Rio Sabio y Villareal, alyas “Rok”, 40, ng 1970-C Almeda St., Tondo ; kapatid nitong si Donna Sabio, 27; Victor Orquillo y Villareal at Richard Ilagan, 28, ng Phase 6-B, Block 3, Lot 2, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan. Sa ulat ni P/Capt. Manuel Calleja, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng…

Read More

PNP AT AFP NAG-DEPLOY NG DAGDAG NA PUWERSA

NAGDAGDAG ng puwersa sa mga lansangan ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para masupil ang krimen at posibleng looting sa panahong naka-lockdown ang maraming lugar sa Luzon dahil sa pag-iwas na lumaganap ang coronavirus disease. Unang tinutukan ng PNP at AFP Joint Task Force-NCR ang mga lugar na sinasabi sa social media na may mga insidente ng panloloob o pagnanakaw. Una nang pinabulaanan ni PNP chief Directorial Staff for Operation Ltgen Guillermo Eleazar ang ulat hinggil sa nakawan. Iniulat naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard…

Read More

3 KOTONG COPS TIKLO SA EXTORTION

QUEZON – Arestado ang tatlong pulis ng mga kapwa nila parak dahil sa pangongotong sa kanilang nahuling mga suspek sa kasong ilegal na droga sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Police Staff Sergeants Alvin Dimaranan at Samuel Merlosa, at Patrolman John Faulmini, mga nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Candelaria Police. Arestado rin ang tatlong sibilyan na sina Nelson Ravelo, Jessica Alcantara at Reggie De CHavez  na pinaniniwalang asset ng mga pulis. Batay sa report ng Quezon PNP, isinagawa…

Read More

UTAK SA ARSON, KIDNAPPING NG NPA, ARESTADO

SURIGAO del Sur – Nadakip sa inilunsad na law enforcement operation ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang itinuturong utak ng New People’s Army sa inilulunsad na kidnapping at arson operation sa lalawigang ito. Sa ulat na ipinarating ni Philippine Army chief, Lt./Gen, Gilbert Gapay kay AFP chief of staff Gen Felimon Santos, nasakote sa isinagawang AFP Law Enforcement Support Operations si Gloria Campos Tumalon, umano’y communist NPA terrorist (CNT) mastermind at lider ng CNT-linked group, MalahutayongPakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU). Si Tumalon ay nadakip ng AFP-PNP law enforcement operatives sa bisa ng bitbit nilang warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention sa Purok…

Read More

MPD PINAKIKILOS VS BATANG KALYE

ILANG residente ng Maynila ang nagmalasakit na iparating sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pang-aabusong ginagawa ng mga batang kalye sa mga taong hindi nagbibigay ng limos sa kanila. Ilan sa mga inireklamo ay iyong mga nagkalat na batang kalye sa kanto ng Taft at Quirino Avenues, malapit sa istasyon ng LRT. Mayroon ding nakitang mga batang kalye sa kanto ng Taft Avenue at San Andres. Ayon sa mga nagmalasakit na residente, nanghaharang ang mga bata at kanilang mga kasamang mas matanda sa kanila at namimilit sa mga…

Read More

P27-B FOOD BUDGET APRUB SA KONGRESO

TINIYAK ni Senate President Vicente Sotto III na magsasagawa ng special session ang Senado upang ipasa ang P27 bilyon na magsisilbing food budget para sa milyun-milyong mahihirap habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon. Ani Sotto, ang naturang halaga ay ipamamahagi sa mga manggagawang nawalan ng kita simula nang ipatupad ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) nitong Marso 15 hanggang ginawang enhanced community quarantine na sinakop na ang buong Luzon. Ang enhanced quarantine ay tatagal hanggang Abril 14 alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay…

Read More

Para mapakain ang 6.9-M “no work-no pay employees GOBYERNO GUGUGOL NG P65-B

MANGANGAILANGAN ang gobyerno ng P65 Billion para mapakain ang may 6.9 milyong ‘no work-no pay’ employees sa buong Luzon sa loob ng 23 araw. Ito ang pagtatayang ginawa ng Minorya sa mababang kapulungan ng Kongreso sa gitna ng pagkukumahog ng gobyerno at mga local government unit (LGUs) na mapakain ang kanilang mga constituent na nawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine. Ayon kina House minority leader Bienvenido Abante, kailangang mabigyan ng tig- P9,420 ang bawat contractual employees at ibang manggagawa na hindi sumasahod kung hindi papasok sa trabaho. Kasya…

Read More