SINANG-AYUNAN ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng special session ang Kongreso upang tugunan ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Bukod dito, kailangan din nilang gumawa ng dagdag na mekanismo para matulungan ang mahihirap na limitado ang kakayahan na harapin ang panganib na dala ng nasabing sakit. “Suportado natin ang panawagan na special session, unang-una para maaksyunan ang supplemental budget na hinihingi ng Department of Health para matugunan ang COVID- 19,” ayon kay Nograles. Inaprubahan noong…
Read MoreAuthor: admin
Kapag nagpositibo si Sec. Duque PDU30 MULING SASAILALIM SA COVID-19 TEST
TINIYAK ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeirie na irerekomenda ng Department of Health (DoH) na muling sumailalim sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakaling magpositibo si Health Secretary Francisco Duque III. Ayon kay Usec. Vergeirie, standard procedure na isailalim sa pagsusuri ang sinomang indibidwal na nakahalubilo ang isang COVID-19 positive. Sa ngayon aniya ay nananatiling asymptomatic si Secretary Duque at ginagampanan ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng online administration system. Sinabi ni Usec. Virgirie na matapos ma-expose si Secretary Duque sa isang senior DOH official na positibo sa…
Read MorePREPOSITIONED GOODS NG DSWD, DAPAT NANG GAMITIN
HINIMOK ni Senador Koko Pimentel ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gamitin na ang kanilang prepositioned goods para maayudahan ang mamamayan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon bunsod ng COVID-19. “We should wake DSWD up! Gamitin na nila yun prepositioned goods nila. In “theory” meron niyan. Now is the time to show na totoo ang theory,” saad ni Pimentel. Sa panig anya ng Philippine National Police, dapat panatilihin nito ang pagpapatupad ng batas para sa kaayusan ng komunidad. Iginiit din ni Pimentel na…
Read MorePDU30: MANGGAGAWA, HUWAG TANGGALIN
INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng pribadong kumpanya na walang tatanggaling manggagawa sa panahon ng isang buwang implementasyon ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon dulot ng pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID – 19. Ang utos ni Duterte ay nakasaad sa inilabas niyang gabay hinggil sa “basic do’s and dont’s” ng pamahalaan sa panahong bawal lumabas ng bahay ang mamamayan maliban kung napakahalaga ng dahilan sa paglabas, banggit ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles. Ani Nograles, dapat magkaroon ang mga kumpanya ng kanilang plano upang magampanan ng…
Read MoreKONGRESO MAGSASAGAWA NG SPECIAL SESSION PARA SA COVID 19
NAKATAKDANG magsagawa ng special session ang Kongreso upang talakayin ang mga bagay na dapat paghandaan kasama na ang paglalaan ng sapat na pondo para sa paglaban sa COVID 19. Batay na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak na hindi kakapusin ang gobyerno ng budget sa anomang pangangailangan makaraang ideklara na ang state of calamity sa bansa. Ayon kay Senate President Tito Sotto, hinihintay na lamang nito ang pormal na direktiba ng Pangulo at pagsang-ayon ng mga kasamahan upang isagawa ang special session, bukas, March 21. Kabilang aniya…
Read MoreLGUs at DSWD, MAGPAPALITAN SA PAMAMAHAGI NG TULONG
MAGPAPALITAN ang local govt units at ang Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng pagkain at iba pang essential needs sa mahihirap na mamamayang Filipino. Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni DILG Usec Jonathan Malaya na sa ngayon ang nakatoka sa pamamahagi ng pagkain sa mga indigent ay ang kanya-kanyang LGUs. Subalit, sa susunod na linggo ay ang DSWD naman ang bahalang mamahagi ng pagkain. Aniya pa, dapat ay ang mga LGU ang magbabahay-bahay upang maiwasang pumila ang mga residente sa mga city hall at…
Read MoreLINDOL SA ZAMBALES NARAMDAMAN SA METRO
NAITALA ang magnitude 4.5 na lindol sa bayan ng San Felipe sa Zambales na naramdaman din sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila. Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-2:49 ng hapon nang maganap ang pagyanig na may lalim na 19 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng San Felipe at Castillejos sa Zambales; Intensity II sa Porac, Pampanga at sa Morong, Rizal habang Intensity I sa Quezon City at sa San Mateo, Rizal. Kung pagbabatayan naman ang instrumento…
Read MoreBINATA PATAY, 1 SUGATAN SA FRAT HOUSE
PATAY ang isang 28-anyos na merchandizer habang malubhang nasugatan ang kainumang binatiyo makaraang pagbabarilin sa loob ng frat house kahapon ng madaling araw sa Binondo, Manila. Namatay noon din ang biktimang si James Carl Suico, binata, ng 327 Area C, Gate 54, Parola Compound sakop ng Binondo, habang malubha naman sa tama ng bala ang 16-anyos na binatiyo na hindi pinangalanan, ng Recuerdo St., Binondo, kapwa umano miyembro ng frat group na Tau Gamma Phi. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Binondo Police Station 11, bandang ala-1:15 ng madaling araw nang…
Read More9 KOLUROM NA HABAL-HABAL HINULI SA QC
ARESTADO ang siyam na driver ng kolorum na habal-habal sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit (DTEU) at District Special Operation Unit noong Miyerkoles sa nasabing lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/Brig. General Ronnie Montejo ang mga inaresto na sina Cmar Eman, John David, Angelyn Castro, Marcelino Manata, Aries Traquina, Jeffrey Mica, Antonio Lagada, Hernan Reyes at Bryan Tindagan. Ayon kay P/Lt. Ronquillo Maaño ng DTEU, isinagawa ang operasyon makaraang may makarating na impormasyon sa kanilang tanggapan na may mga motorsiklong…
Read More