NAKIUSAP si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ang employment assistance program sa informal sector na naputol ang kinikita sanhi ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources, na naiwan sa isang tabi ang mga informal sector tulad ng driver ng public utility vehicles, vendor at katulad nito na walang alternatibong pinagkakakitaan upang maipakain sa kanilang pamilya. “Sa isang iglap, nawalan po ng kabuhayan…
Read MoreAuthor: admin
BIYAHE NG TRICYCLE SA MGA PALENGKE PAHINTULUTAN
UMAPELA si Senador Francis Tolentino sa Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan ang pagbiyahe ng mga tricycle malapit sa mga palengke. Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na delivery ng mga pangunahing produkto at hindi mahirapan ang mga namimili ng pagkain. Sinabi ni Tolentino na direkta na rin siyang nakipag-ugnayan kay DILG Secretary Eduardo Año para sa kanyang kahilingan na payagan ang kahit sampung tricycle sa bawat public market upang mag-deliver ng mga produkto at maghatid sa mga pasahero. DANG SAMSON-GARCIA 502
Read MoreBIYAHE PALABAS NG BANSA TULOY
MAAARING bumiyahe ang mga Filipino migrant workers at turista patungong ibang bansa mula Luzon habang nakataas ang “enhanced community quarantine” sa lugar, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. “OFWs and foreign nationals leaving for abroad shall be allowed to leave the Philippines anytime for the duration of the enhanced community quarantine, provided that proof of international travel itinerary scheduled within 24 hours must be presented,” ani CabSec Nograles sa press briefing nitong Martes. Aniya, may mga kondisyon ang polisiya. Isang tao lamang ang papayagan na makasama ng isang biyahero o…
Read MoreOPERASYON NG POGO SUSPENDIDO
HINDI pinapayagan ng pamahalaan na mag-operate ang Philippine Online Gaming Operators (POGO) base sa guidelines na ipinalabas nito para sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa buong rehiyon ng Luzon. Ang probisyon ay bahagi ng guidelines na isinapubliko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nitong Martes. Ang operasyon ng POGO sa bansa ay malawak na tinalakay ng pamahalaan at mga mambabatas dahil na rin sa karamihan ng empleyado nito ay mga Intsik. Sa presentasyon sa Senado, isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros na laganap umano ang illegal recruitment, illegal detention, at sexual…
Read MoreDefensor kinalampag ang DOH FATALITY RATE NG PINAS MATAAS
PINAGPAPALIWANAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamataas na mortality rate o namatay sa COVID-19. “We still have small numbers of infection cases and deaths, but a quick glance at the data would show that in terms of percentage, there are more Filipinos than there are Thais, Indonesians or Indians dying of this disease,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on health. Noong Lunes ay umabot na sa 140 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan 12 ang…
Read MoreTOTAL LOCKDOWN UMIIRAL SA PANDI
MAHIGPIT na ipinatutupad ang “no entry/exit” policy sa bayan ng Pandi, Bulacan kaugnay ng hakbang ng nasabing bayan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Alas-7:00 ng umaga kahapon nang simulang pairalin ng pamahalaang lokal ng Pandi ang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa ibang lugar gayundin ang mga manggagaling sa loob palabas ng Pandi. Kaugnay pa rin ng COVID-19, hiniling ni Pandi Mayor Enrico Roque sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tuluyang ipatigil ang mga operasyon ng quarry gayundin ng mga resorts sa nasabing bayan bilang pag-iwas…
Read MoreCOVID INFECTED SA PINAS, 193 NA
PATULOY ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health. Sa pinakahuling tala ay may panibagong anim na kaso kaya naman mula sa 187 noong Martes ay tumaas ito sa 193 ngayong Miyerkoles. May Pitong pasyente naman ang nakarekober habang umabot na sa 14 ang naitalang namatay. Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced Community Quarantine ang buong Luzon. Nagdeklara na rin ng State of Calamity sa buong bansa si Pangulong Duterte upang tugunan ang patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa naturang sakit. D. ANIN 252
Read MoreMAMAMAYAN DAGSA PA RIN SA KALSADA
BAGAMA’T maraming mga establisimyento at sektor ng transportasyon ang sumunod sa unang araw ng pagpapatupad ng enhance community quarantine (ECQ) nitong Martes, naging maluwag pa rin ang kilos ng marami sa mga taga probinsya. Sa kahabaan ng Maharlika highway sa lalawigan ng Quezon, marami pa ring mga motorista partikular ang mga private vehicle ang bumagtas sa buong maghapon. Marami rin ang nanatiling nasa labas ng kanilang mga bahay at ang iba ay gumagala pa sa mga sentro ng lugar. Umaga pa lamang ay dumagsa na ang mga mamimili sa iba’t…
Read MoreDOLE, OBRERO AT NEGOSYANTE DAPAT MAGKAISA VS COVID-19
NANAWAGAN kahapon ang Nagkaisa Labor Coalition sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatawag ang National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) upang epektibong maharap ang epekto ng novel coronavirus o COVID – 19 sa mga obrero at negosyante. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa, kailangang magpatawag ng “emergency meeting” ng NTIPC si Labor Secretary Silvestre Bello III upang magkasamang talakayin ng kinatawan ng pamahalaan, manggagawa at negosyante ang epekto ng COVID-19 sa “labor and employment perspective.” “Workers, who are the majority of our populace, are facing…
Read More