Bawat masalubong tinutukan ng baril SALES CONSULTANT, SUGATAN SA PULIS

BARIL-7

SUGATAN ang isang sales consultant matapos putukan ng umaawat na mga pulis makaraang maging sila ay tutukan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ibinalibag sa selda ang suspek na si George Gamac, 20, empleyado ng Hyundai Inc., at residente ng #306 L. Nadurata St., 3rd Avenue, Brgy. 43 ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms). Ayon sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw, naglalakad ang tricycle driver na si Ryan Labanan, 34, sa kahabaan ng 2nd Ave. C. Namie St.,…

Read More

CHINESE WOMAN TUMALON SA 9TH FLOOR NG CONDO?

PATAY ang isang 32-anyos na babaeng Chinese national makaraan umanong tumalon mula sa ika-9 palapag ng condominium sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Liu Caiyo, manager ng isang bar sa Pasay City at naninirahan sa Unit 9-M sa Tower C ng Suntrust condominium sa Adriatico St., sa Malate. Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nabanggit na condo. Agad nagresponde sa lugar si P/Ssgt. Mark Christopher Martinez kasama ang ilang tauhan ng Roxas Boulevard…

Read More

NAMATAY NA PULIS, POSITIBO SA COVID-19

POSITIBO sa corinavirus disease 2019 (COVID-19) ang namatay na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Director Debold Sinas sa ginanap na press briefing matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Kasabay nito, sinabi ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), magsasagawa ng contact tracing para malaman kung sino-sino pa ang nakasalamuha ng biktima bago ito namatay. Una nang isinailalim sa quarantine ang lahat…

Read More

DOH: HINDI LAHAT NG COVID-19 POSITIVE KAILANGANG MAOSPITAL

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na hindi lahat ng dadapuan ng COVID-19 ay maoospital o kailangang ma-confine sa ospital. Ayon kay DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, may proseso silang ipinatutupad sa mga pasyente kung saan ang bawat isa aniyang nagpapatingin na positibo sa COVID-19 ay idinadaan sa ebalwasyon o assessment. Ang mga dinadala aniya sa ospital ay depende sa ipinakikitang sintomas. Sa ngayon aniya ay nagtutulong-tulong sila ng mga pribado at publikong ospital para mapangasiwaan ang pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID 19. Habang may mga pribadong…

Read More

SEC. DUQUE NAG-SELF QUARANTINE

KASALUKUYANG naka-work from home si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque dahil sumasailalim ito sa self quarantine. Kinumpirma mismo ng ahensya na naka-home quarantine na ang kalihim dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19). Sa isang text message, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na “asymptomatic” o walang sintomas gaya ng ubo, sipon, o lagnat ang kalihim pero isinailalim na rin ito sa testing upang makasiguro lalo pa at may pre-existing na asthma at hypertension si Duque. Batay sa ulat, tatlong beses nagkaroon ng exposure si Duque sa…

Read More

GAMIT NG FRONTLINE WORKERS UNAHIN

SUPORTADO rin ng minorya sa Senado ang deklarasyon ng Malakanyang na isailalim ang buong bansa sa state of calamity. Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, sa pamamagitan ng deklarasyon, maaari nang gamitin ang P16 bilyon na calamity fund ng national government gayundin ng mga lokal na pamahalaan. Bukod dito, maaari ring gamitin ang P13 bilyon na contingency fund. Gayunman, iginiit ni Pangilinan na dapat lamang na maging maliwanag at transparent ang gobyerno sa paggamit ng nasabing pondo. Iginiit din nito na dapat unahing pondohan ang suporta sa frontline health workers upang…

Read More

GOV. REMULLA INOOBSERBAHAN SA COVID-19

INIHAYAG ni Cavite Governor Jonvic remulla na kabilang siya sa Persons Under Monitoring (PUM) sa COVID-19 matapos makasalamuha sa isang pagpupulong ang isang hinihinalang infected. Sa kanyang Facebook account, sinabi ng gobernador na sumailalim na siya sa swab test at inaasahang lalabas ang resuta nito matapos ang limang araw. Kaugnay ito, umabot na sa lima ang nagpositibo sa coronavirus sa lalawigan ng Cavite kabilang ang isang 48-anyos na lalaki mula sa Bacoor na kasalukuyang ginagamot sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM). Sinabi rin ng alkalde na tumaas pa ang…

Read More

PHOTO LANE APPLICATION UMARANGKADA

SINIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) Central Office sa Quezon City ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa Foodlane Accreditation ng mga food producer, manufacturers, traders at importers. Layunin ng hakbang na ito na panatilihin ang walang patid na paghahatid ng pagkain at iba pang produktong pang-agrikultura sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon. Kabilang sa unang nag-fill up ng application form ay si Nemia Faraon na nagbiyahe ng table eggs mula Antipolo patungo sa Quezon City. Si Nemia at ang asawang si Santos, may-ari…

Read More

HIWALAY NA LANE SA CARGO AT DELIVERY TRUCKS PINAIIRAL SA CHECKPOINTS

MAS mapabibilis na ang pagpasok ng pagkain at agricultural products sa Metro Manila (MM). Kasunod ng pinaigting na seguridad kaakibat ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19. Sa Laging handa press briefing, sinabi ni PNP Spokesman Bgen. Bernard Banac na inatasan na ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa ang mga miyembro ng PNP na nagbabantay sa mga checkpoint na ihiwalay ang linya ng mga cargo at delivery truck na may kargang pagkain at iba pang agricultural products para mapabilis ang pasok nito sa NCR. Samantala, nagkaloob na ng…

Read More