‘Di tiningnan bago dinampot, pumutok ACCIDENTAL firing ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng isang 28-anyos na bagitong pulis, matapos mabaril ang kanyang sarili habang nagbibihis sa kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila, nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si Patrolman Johnferd Soriente, may asawa, nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group at residente ng Lot 2, Blk.14, San Andres Ext., Sta. Ana. Batay sa ulat ni Det. Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:45 ng umaga nang umalingawngaw ang isang malakas na putok…
Read MoreAuthor: admin
13 KABABAIHAN ‘IBEBENTA’ SA MALAYSIA, NAISALBA
Sinilaw sa trabaho sa Dubai ZAMBOANGA City – Nasagip ng mga awtoridad ang 13 kababaihan mula sa human trafficking sa lungsod na ito. Sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), may isang linggo pa lang sa hotel sa naturang siyudad ang mga biktimang mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Sinabi ng mga biktima, pinangakuan sila ng magandang trabaho ng kanilang recruiter sa Dubai ngunit nagtaka ang ilan kung bakit sa southern backdoor sila pinadadaan papunta sa nabanggit na bansa. Binigyan sila ng pekeng mga dokumento at bibigyan din…
Read MoreKUYA NASAKSAK BUNSO NAGBIGTI
BUTUAN City – Sa pag-aakalang napatay niya sa saksak ang kanyang kuya, nagbigti ang isang binatilyo, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang namatay na si Macky, 17, habang sugatan ang kuya niyang si Erickson Payo, 23-anyos, kapwa residente ng Purok-8, Relocation Site, Brgy. Lower Doongan, ng lungsod. Batay sa report ng Butuan-PNP, dakong alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, may nakaengkuwentrong grupo ang binatilyo at plano niyang gumanti habang bitbit ang kutsilyo ngunit pinigilan siya ng kapatid. Pilit…
Read MoreJEEP NA PUNO NG ESTUDYANTE SWAK SA BANGIN
Nag-overnight sa Sanchez Peak GEN. SANTOS City – Umabot sa 30 katao ang malubhang nasugatan, karamihan ay mga estudyante, makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa Purok Balakayo, Barangay Olympog sa lungsod na ito. Base sa inisyal report na natanggap ng Gen. Santos Police Office, noong Biyernes ng umaga, habang binabagtas ng jeep ang national highway ay biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito. Hinala ng mga awtoridad, biglang nawalan ng preno ang sasakyan kaya sumadsad sa gilid at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin. Ayon sa…
Read MoreJUSTIN BIEBER NA-BREAK ANG RECORD NI ELVIS PRESLEY
Fifty-nine years – as in 59 years – hinawakan ng King of Rock N’ Roll na si Elvis Presley ang record na ito. Ngayon, na-break na ito ni Justin “The Bieb” Bieber. Ano ang record? The youngest artist to score seven No. 1 albums. You see, ni-release ni Justin, 25, ang album niyang Changes nitong nakaraang Valentine’s Day lang, at ngayon nga ay nag-number one na ito. At ito ang ika-pitong number one album ni The Bieb. Si Elvis Presley naman, sa pagbabalik tanaw, ay nag-number one ang kanyang seventh…
Read MoreGMA 7 MAS PINANONOOD NG NAKARARAMI
SWAK: Sa kabila ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN 2, napatunayang ang GMA 7 pa rin ang mas pinapanood ng nakararami. Ayon sa data ng Neilsen, nakakuha ang Kapuso network ng 34.9 percent people audience share sa NUTAM laban sa 32 percent ng ABS-CBN 2. Palaki rin nang palaki ang agwat ng GMA sa ABS sa iba pang lugar tulad ng Urban Luzonat Mega Manila. Naka-36.9 percent ang Siyete sa Urban Luzon samantalang 29.3 percent lang ang Dos. Nakuha naman ng GMA ang pinakamalaking panalo sa Mega Manila (January1…
Read MoreJULIA NA-EXCITE SA LAPLAPAN KAY TONY
NAPAPANOOD na sa iWant ang seryeng ‘I Am U’ na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Tony Labrusca. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Julia at Tony sa isang proyekto. Hindi raw nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang naturang digital series nang malamang si Tony ang makakatrabaho dito. “Noong ipi-pitch pa lang sa akin, sinabi pa lang, ‘Tony Labrusca.’ ‘Oh maraming laplapan?’ Kasi ‘di ba nanggaling siya sa ‘Glorious’? I heard of Tony kasi first doon sa ‘Glorious’. So parang sa akin, bago ko pa siya na-meet, ganoon na ‘yung…
Read MoreREKLAMO VS KORAP SA LTO
INIREKLAMO ng isang kumpanya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni ret. Gen. Edgar Galvante simula noong 2016. Ang reklamo ng Cartesy German laban sa LTO ay ang pagpayag nito na makapagnegosyo sa nasabing ahensiya ang isang kumpanyang pag-aari ng mga Intsik. Ayon sa reklamong ipinarating kay Tugade ng Cartesy German, isang manufacturer ng motor vehicle inspection tools, na ginamit ang pangalan ng kanilang kumpanya nang walang opisyal na pahintulot mula sa pamunuan nito. Idiniin ng Cartesy German na ang Cartesy…
Read MoreOFW DEPARTMENT LUMALABO
KUNG mayroong bagong ahensya ng gustong itayo ng gobyerno na malabong maipasa ay ang Department of Filipino overseas na dating kilala bilang Department of Overseas Filipino Workers. Maraming mambabatas sa Kamara at maging sa Senado ang nagdadalawang isip na ipasa ang panukalang ito dahil para na ring nating inaamin na panghabambuhay na ang pagpapadala natin ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Kahit ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent ay hindi kumporme sa bagong ahensyang ito dahil mistulang pangmatagalan na ang pag-eexport natin ng mga tao sa ibang…
Read More