BABALA NG SOLON KAPAG NATULOY ANG GIYERA: P202-B REMITTANCE NG OFWs MAGLALAHO

Rep Joey Salceda-3

MAGLALAHO ang tinatayang P202 Billion remittances ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Gulf Countries kapag nauwi sa giyera ang girian ng United States (US) at Iran. Ito ang pagtatayang ginawa ni House ways and means committee chairman Joey Salceda kaugnay ng magiging epekto ng giyerang ito kung sakali sa ekonomiya ng bansa. Ayon kay Salceda, noong 2018, umaabot sa US$3.9 Billion o katumbas ng P202 Billion, ang remittances ng OFWs mula sa gulf countries na kinabibilangan ng Qatar, United Arab Emirates, Oman, Bahrain at  Kuwait. Ang mga nabanggit na…

Read More

CRUZ, LANETE SOLID NA BATANG PIER

Cruz-Lanete

MANANATILI sa NorthPort sina big man Jervy Cruz at shooting guard Garvo Lanete. Ito’y matapos na muli silang pumirma ng panibagong kontrata sa Batang Pier. Si Cruz ay lumagda sa fresh two-year pact, habang si Cruz ay one-year deal lang. Ang dalawa ay naging malaking bahagi sa magandang perfomance ng NorthPort sa 2019 PBA season kaya’t hindi nagdalawang-isip ang management na muli silang papirmahin ng kontrata. Nakapasok ang Batang Pier sa quarterfinals sa tatlong conference noong nakaraang season sa ilalim ni coach Pido Jarencio.  EBG 438

Read More

AU NAGPARAMDAM AGAD

Arellano University-2

UMISKOR ang reigning three-time champion Arellano University ng 27-25, 25-20, 25-20 win laban sa Lyceum of the Philippines University, sa pagsisimula ng Season 95 NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Mula sa 23-22 count pabor sa Lady Pirates, umatake ng hits si Regine Arocha para selyuhan ang first set win ng Lady Chiefs. Si Arocha ay may 18 kills, nine receptions at right digs upang pangunahan ang Arellano sa una nitong panalo. Huling taon na ni Arocha, na nangakong lahat ay gagawin para matulungan ang Arellano…

Read More

MAY KAMPANYA LABAN KAY AI AI DAHIL SA CONVICTION NIYA

AI AI-3

Post ng idol naming directo sa kanyang Facebook walk: “What’s happening, are we happy? Balik agad sa ‘yo to, Aileen. I know you’re religious, but if your effing god makes you hate, about time to rethink. Btw, your comedy is passé.” Dito nag-umpisa na ang campaign laban kay Ai Ai. Nangako ang company owners na sympathetic sa ipinaglalaban ng LGBTQIA community na hindi-hindi na nila kukunin si Ai Ai bilang endorsers nila. Against nga si Ai-Ai delas Alas sa   same-sex marriage, at tumanggi umattend sa kasal ng mga gay friends.…

Read More

MARCOS TATAKBO SA 2022

Bongbong Marcos Jr-2

(Ni: NELSON S. BADILLA) INANUNSIYO kahapon ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa siyang tumakbo sa ‘mataas na posisyon’ sa halalang 2022. Ngunit, hindi tinukoy ni Bongbong o kilala rin sa palayaw na “BBM” kung ito ay sa pagiging pangulo ng bansa. Sa Mayo 2022 isasagawa ang halalan para sa pagkapangulo at pagka-pangalawang pangulo ng bansa at iba pang posisyon. Bagama’t hindi inihayag ni Marcos sa press conference sa National Press Club (NPC) kahapon nang eksakto kung ang mataas na posisyong tatakbuhan niya ay ang pagkapangulo, maraming naniniwala…

Read More

PROYEKTONG KALIWA DAM IPATIGIL

Badilla Ngayon

MAPALAD ang People’s Republic of China na ngayon ay nasa ilalim ng liderato ni Pangulong Xi Jinping sapagkat napakabilis nitong napasok ang mga estratehikong pangangailangan ng mamamayan ng bansang  Pilipinas. Sa ngayon, nakapasok ang pamahalaan mismo ng China sa industriya ng telekomunikasyon at serbisyo-publikong tubig sa bansa. Sa larangan ng telekomunikasyon, kasosyo ni Dennis Uy ang pamahalaan ng China sa Dito Telecommunity Inc. Ang Dito ay siyang nanalong kumpanya bilang “third telco” sa bansa, una at pangalawa ang Globe Telecom ng pamilya Ayala at Smart Communications ng pangkat ni Manny…

Read More

UN TUMULONG NA LANG

FOR THE FLAG

Kung totohanan ang intensyon ng United Nations at ng Human Rights Council na tumulong sa Pilipinas, ay maaari silang magbigay ng pondo at donasyon sa pagpapatayo ng kahit isang libong rehabilitation  center upang masimulan na ang panggagamot sa daan-daang libong mga sumukong drug addict. Kapag ginawa ito ng  UN at HRC malamang lalabas at susuko na rin ang milyon pang drug addicts na mahihikayat ng tulong na ito. Hindi makukuha sa puro satsat ang pagtulong sa bansa, nararapat na pondohan nila ang nais nila. Gusto nilang ,masawata ang droga sa…

Read More

PROBLEMANG TINAKPAN NG HOLIDAYS

DPA

Maraming problema ang pansamantalang nakalimutan ng mga tao dahil sa nagdaang Holiday Seasons nitong nagdaang Disyembre na hindi nasolusyunan ng pamahalaan. Una dito ang presyo ng bigas na hindi pa rin bumababa sa P30 bawat kilo dahil naglalaro pa rin sa P32 kada kilo ang presyo ng bigas na may mababang kalidad at ang mga masasarap ay hanggang P58 pa rin ang presyo bawat kilo. Noong binubuo pa lamang ang Rice Tariffication Law, ipinangako ng Kongreso na bababa ang presyo ng bigas kahit ang mga imported rice dahil papayagan ang…

Read More

68 TRUCKS NG BASURA NAHAKOT SA TRASLACION

BASURA-8

  TINATAYANG nasa kabuuang 68 dump truck ng basura na katumbas ng 330 tonelada ang nakolekta ng Manila City Hall –Department of Public Safety (DPS) sa katatapos na Traslacion sa lungsod ng Maynila. Ayon kay Kenneth Amurao, hepe ng Department of Public Service (DPS), mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 99 dump truck o 387.4 toneladang basura na nakuha noong Traslacion 2019. Nakakuha rin ang mga street sweeper ng mga mineral water na may lamang ihi na iniwan ng mga deboto at mga pinagkainan. Samantala, inaresto ng mga tanod…

Read More