GRAB PHILS. PINAGMULTA NG P16-M

PUNA

IPINAG-UTOS ng Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab Philippines na magmulta ito ng P16.15 million dahil sa sobrang singil sa mga tumatangkilik sa kanila. Ang P14.15 sa P16.15 million ay kailangang i-refund sa kanilang mga pasahero na siningil nila nang sobra. December 13, naglabas ang antitrust body base sa kanilang audit report ng independent monitoring trustee Smith & Williamson. Minonitor nila ang si-ngilan ng Grab hanggang Agusto 10. Ang P14.15 million ay para sa kanilang “extraordinary deviation” mula sa kanilang pangakong pres-yo. Pinatawan din ang Grab ng P2 million para…

Read More

BAGONG BUHAY SA 2020

FOR THE FLAG

Ang 2020 ay punom-puno ng pag-asa para sa maraming Filipino. Ito ay nangangahulugan ng pagsisimula, ng pag­huhubad ng mga nakaraang pagkakamali at nang maging pagpapatawad. Hindi na minsan lamang na nagsisi, tinanaw ang kakapusan sa nakaraang taon, mga pagkakataong hindi napagtuunan ng tamang atensyon, mga pagsubok na lalo pang nagpalakas sa pananampalataya, mga kaibigang napatunayang tunay at mga pagpupun-yaging kundi man hinitik ng biyaya ay biyaya na rin dahil may natutunan. Ang mga Filipino ay likas na lumalaban sa buhay ng may pagtitiis, ngiti at tuwa maging sa gitna ng mga hambalos ng buhay. Ganyan ang Filipino, parang kawayan na yuyukod sa…

Read More

32 JOURNALIST NAKAMIT ANG KATARUNGAN; KATARUNGAN DIN KAY JUPITER

BADILLA NGAYON

HINDI ko kilala ang 32 journalist na pinaslang noong Nobyembre 2009 sa Maguindanao, ngunit labis akong natutuwa sa pagkamit ng katarungan para sa kanila matapos ang isang dekada dahil sa desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Judge?Jocelyn?Solis-Reyes na habambuhay na pagkabilanggo o maximum na pagkakulong sa 43 pangunahing akusado. Sa 761-pahinang desisyon ni Solis-Reyes, napatunayan niyang “guilty beyond reasonable doubt” sa 57 kasong murder laban sa 43 katao, sa pa­ngunguna nina Andal Jr., Zaldy at Anwar Ampatuan. Ngunit, kahit na na­bigyan ng katarungan ang mga journalist sa nasabing masaker,…

Read More

INABUTAN DIN NG MAHABANG KAMAY NG BATAS

DPA

KASABIHAN na ng matatanda na ang lahat ng bagay ay mayroong katapusan. Kahit ang sinulid, pagkahaba-haba man ay may dulo pa rin. Isang kasabihan na tamang-tama sa kaso ng Maguin­danao Massacre. Kahit sino ay nainip sa haba ng panahong ginugol, isang dekada, pero sabi nga sa English, worth waiting for dahil sa wakas, nakamit na ng mga biktima ng Maguin­danao Massacre ang katarungan. Pero kahit nahatulan na ang mga salarin, hindi pa rin mawawala ang sakit na naramdaman noon ng mga kaanak ng mga biktimang nadamay lang dahil sa kagahaman…

Read More

MGA PREPARASYON SA BAHAY NGAYONG HOLIDAY SEASON

PASKO-1

Ganitong bilang na bilang na lamang ang mga araw bago mismo ang Pasko, pihadong nagkakandarapa na ang marami sa atin para harapin ang pinakaabalang okasyon ng taon. Handang-handa na ba kayo sa Pasko? Ngayon pa lamang ay dapat nakahanda na tayo para bawas stress o pagkataranta. Isa sa mga dapat tandaan ay ang unahing malinis ang buong bahay. Maigi ring ilabas, linisan o hugasan ang mga plato, kubyertos, baso at iba pang may kaugnayan sa pagkain. Kasama rin dito ang mailabas at mahugasan ang mga kaldero, lagayan ng desserts, at…

Read More

PANATILIHING SAFE ANG BAHAY NGAYONG HOLIDAY SEASON

ASO-2

Tiyak naman na hindi lahat sa atin ay maglalagi o mananatili sa bahay ngayong holiday season. Bagkus ay mas gugustuhin pang mamasyal at magbabad sa iba’t ibang mall o sasadya sa mga bahay ng mga kamag-anakan, kaibigan o kakilala. Sa ganitong panahon din, hindi tayo dapat magpabaya at kailangang maging responsable at alerto pa rin tayo sa nagaganap sa ating mga kabahayan. Huwag nating ilipad ang ating mga isip at kaligtaan ang bagay na ito kaysa magsisi tayo sa huli. Ito ang mga dapat nating isagawa para malayo ang ating…

Read More

PARALEGAL GAWING PROPESYUNAL

CONG NOGRALES-6.jpg

Pagkilala, tamang kompensasyon isinusulong ni Rep. Nograles (PFI Reportorial Team) ISINUSULONG ng isang bagitong mambabatas ang tamang benepisyo at pagkilala sa mga papasok sa propesyong paralegal. “Panahon na upang maging propesyonal ang paralegal work para matiyak ang kalidad ng serbisyong legal sa pamamagitan ng pagtatakda ng pamantayan para sa sinomang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho.” Ito ang dahilan kaya itinutulak ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles, ang House Bill 5886, isang komprehensibong panukala na nagsasaad ng tungkulin ng paralegal workers at magbibigay ng garantiya sa kanilang karera at…

Read More

MALIIT NA PRIVATE PART NG LALAKI, SENYALES NG PAGKABAOG?

PAGKABAOG

Sa isang pag-aaral, binigyang linaw ang mga haka-haka na karamihan ng mga lalaki na mayroong maliit na ari ay baog. Ang pag-aaral ay iprinisenta sa American So­ciety para sa Reproductive Medicine conference sa Colorado at iniulat din ito sa The Telegraph noong Oktubre. Sa pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang datos mula sa 815 na lalaki na dumulog sa men’s health clinic noong 2014 at 2017 kung saan 219 sa mga ito ay may problemang makabuntis habang ang natitirang 596 ay dumulog dahil sa reproductive issues gaya ng erectile dysfunction…

Read More

ADHD, DULOT NG SOBRANG PAGGAMIT NG GADGETS

GADGETS

LUMABAS sa resulta ng pag-aaral na ang sobrang paggamit ng gadget ay nakadadagdag ng sintomas ng pagkakaroon ng attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Ito ang resulta na ipinakita sa Journal of the American Medical Association na base sa halos 2,600 Los Angeles teens na sumagot sa survey questions sa loob ng dalawang taon,  isa sa pinakamalaki at pinakamatagal na pag-aaral tungkol sa paksa. Mas maraming social media, streaming video, text messaging, music downloads at online chats, mas malaki ang tyansang magkaroon ng sintomas gaya ng hirap sa pag-oorganisa at pagkumpleto sa mga gawain o kaya’y hindi mapakali. Nasa…

Read More