P2-B IMPORTED FAKE GOODS NASABAT

counterfeit goods

Aabot ng  P2 bilyon  counterfeit goods ang nasabat ng  pinagsanib na puwer­sa ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Intelligence Property Rights Division (IPRD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL sa isinagawang pagsalakay sa iba’t ibang storage units sa Binondo, Maynila noong Hulyo 16, 2019. Isinagawa ang pagsalakay sa naturang lugar  sa  bisa na rin ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Kabilang sa mga nasabat ay  ang mga pekeng brand  ng  Nike,  Emporio Armani, Hello Kitty,…

Read More

MAMAHALING SASAKYAN, MAKINA SA PAGGAWA NG SIGARILYO SINIRA NG BOC

MAMAHALING SASAKYAN

Tuluyan nang sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang 1 unit ng mamaha­ling sasakyan, 12 makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo at 1,000 master cases ng iba’t bang brand ng sigarilyo na isinagawa sa PUC Parking Bureau ng Customs Compound, Port Area,  Manila noong nakaraang Hulyo 23, 2019. Pinangunahan ito ni Undersecretary Jesus Melchor V. Quitain, OIC  ng Office of the Special Assistant to the President. Kabilang sa mga sinira ay ang Ferrari, na idineklarang gamit na auto spare parts, na dumating sa Port of Manila (POM) noong Mayo 13,…

Read More

JULY TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC NALAGPASAN

PORT OF SUBIC

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic ang kanilang target collection para sa buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Sa kanilang inilabas na report noong Hulyo 23, 2019, bagama’t walong araw pa bago matapos ang nasabing buwan ay nalagpasan na nila ang kanilang target collection. Nakapagtala ang Port of Subic ng kabuuang kolek­­syon na P1,993,013,456.96 na lumagpas ng P35,086,940.96 o 1.79% na mas mataas sa kanilang month of July target na P1,957,926,516.00. Ang  BOC-Port of Subic ay apat na taon nang nakakalagpas ng kanilang monthly collection target…

Read More

BABALA NI GUERRERO VS CUSTOMS BROKERS NA SANGKOT SA GAWAING ILEGAL: AKREDITASYON IRE-REVOKE

Commissioner Rey Guerrero

(Ni Joel O. Amongo) Nagbabala si Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na kanyang aalisan ng Customs accreditation ang sinumang Customs broker na mapatutunayang sangkot sa maling gawain o smuggling sa nasabing bureau. Sa statement  ni Guerrero noong nakaraang Miyerkoles (Hulyo 24, 2019), sinabi niya na malaking hamon sa kanya ang pagsugpo ng korapsyon sa Customs lalo na ang mga Customs brokers na lumalabag sa batas, rules and regulations. Ayon kay Guerrero sa kanilang miting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Palasyo ng Malacañang ay inihayag nito na dismayado siya sa…

Read More

DU30 IPINATIGIL ANG LOTTO, STL, KENO AT LAHAT NG GAMING OPERATIONS NG PCSO!

HAGUPIT NI BATUIGAS

Sa wakas ipinatigil na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operations o scheme na may lisensya o prangkisa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ipinarating ng pangulo ang kanyang mensahe sa PCOO kamakalawa ng gabi kung saan napuno na ang pangulo sa patuloy na katiwalian kaya tuluyan na niyang ipinahinto ang operasyon ng PCSO games. “Sa mga kababayan ko, I have ordered today the closure, the stoppage of all gaming schemes of whatever nature…

Read More

LIWANAG SA MUNTING PARAISO NG CAGBALETE

SA GANANG AKIN

Isang munting paraiso na naman ang nabigyan ng liwanag ng Meralco. Nauna nang nakapagbigay ng serbisyo ng kuryente ang Meralco sa Isla Verde sa probinsya ng Batangas gamit ang pinagsanib na teknolohiya ng solar PV at battery energy storage. Nitong nakaraang linggo naman ay kinilala at pinasinayaan ang itinayong pasilidad ng kuryente sa isla ng Cagbalete. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon at ng Meralco, naging matagumpay ang pagtatayo ng pasilidad ng kuryente na tinatayang makapagbibigay ng liwanag sa isla. Ang programa ng pasinaya ay pinangunahan ng mga…

Read More

ANG DILAW NA SI CARANDANG

FOR THE FLAG

Taong 2013 ay nasangkot si Arthur Melchor Carandang, bagong appointee noon bilang Overall Deputy Ombudsman, dahil sa kasong robbery extortion ngunit ipinagtanggol ito ng administrasyon ni Noynoy Aquino. Siya ay kamag-anak ng noo’y opisyal din ni Aquino na si Ricky Carandang na Communications Secretary ni Aquino. Si Arthur Carandang ang nagsilbing kasabwat ni Sonny Trillanes sa pag-atake kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang agad-agad ay maglabas ito ng bank records umano ng pamilyang Duterte noong 2017 na nakalap niya umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-iimbestiga umano sa pamilyang…

Read More

FASHION TIPS PARA SA KIDS

KIDS FASHION TIPS-2

Sa maraming aspeto, malaki ang pagkakaiba ng mga bata sa mga nakakatanda sa kanila kaya pagdating sa pormahan ay ibang-iba rin naman talaga sila. Sa paglipas ng panahon, naiiba rin ang fashion pagdating sa mga bata. Gayunman, sa batang tulad nila, may mga bagay pa rin na dapat ikonsidera bago sila bihisan. Katunayan marami sa mga kasuotan ngayon ng mga bata ay parang nasa level na rin ng kasuotan ng mga matatanda. At ang nakagugulat pa rito ay iba na rin ang mga “taste” ng mga ito pagdating sa mga…

Read More

REBATE O OFW DIALYSIS CENTER

AKO OFW

Marami nang OFWs at maging ang pamilya ng mga ito ang nag-aabang sa ipamamahagi na OWWA Rebate. Ang pagbabahagi ng Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) Rebate ay hindi isang programa ng OWWA kundi isang pagtalima alinsunod sa batas sa ilalim ng RA10801 o OWWA ACT. Ayon sa binalangkas na patakaran na batay naman sa recomendasyon ng mga ekspertong aktuaryo, ang OWWA ay maaaring magbahagi ng rebate para sa OFWs na miyembro ng OWWA. Tatlo ang batayan para makatanggap ng rebate. Una, dapat ikaw ay miyembro sa loob ng 10 taon.…

Read More