NAGTANGKANG MANG-HACK SA WEBSITE NG BOC KINONDENA NI GUERRERO

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-2

Kinondena ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagtangkang pag-hack ng hindi pa nakilalang indibidwal ng website ng ahensya. Ayon kay Guerrero, ang nasabing insidente ay tinangka ng mga kriminal para perwisyuhin ang computerization program ng Customs na nakadisenyo para palakasin ang kampanya laban sa korapsyon. May duda ang opsiyal na ang nasa likod ng tangkang pag-hack sa BOC website ay ang mga taong ayaw ng pagbabago sa ahensya. Matatandaang kamakailan ay inilunsad ng BOC ang anim na information system project at ito ang inaasahan na magbibigay…

Read More

P7-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA KARAGATAN NG ZAMBO

SMUGGLED YOSI-2

(Ni Joel O. Amongo) Muli na namang nakasabat ng aabot sa pitong milyong pisong halaga ng smuggled yosi ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Enforcement Security Service (BOC-ESS), Philippine Navy (PN) at Philippine National Police (PNP) sa karagatan ng Zamboanga City ka­makailan. Ayon sa report, noong Hunyo 25, dakong alas-11:00 ng gabi nakatanggap ng confidential information sa pamamagitan ng text message mula sa isang concerned citizen na nagsasabing may “jungkung” o lantsa na may pangalang MB AZEEZ mula sa Pa­nguturan, Sulu na puno ng smuggled sigarilyo…

Read More

CAYETANO NAGMUMUKHANG DESPERADO NA

FOR THE FLAG

Hindi maiwasang magmukhang desperado si Congressman Alan Peter Cayetano sa kanyang target na maging House speaker dahil magpahanggang ngayon paulit-ulit pa rin niyang itinutulak ang term-sharing sa pagitan nila ni Cong. Lord Allan Velasco samantalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang bumawi ng kanyang naunang proposal na binitawan niya noong trip pa sa Japan. Binawi na ng pangulo ang proposal na ito, at noong nakaraang Biyernes lamang ay nagdeklara na ito sa lahat ng naglalaban-laban para sa House speakership: “Maglabu-labo na kayo.” Ang tawag sa behavior na ito…

Read More

ILABAS ANG ‘FISHING DEALS’ SA CHINA!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tumingkad ang usapin ng pagpasok at pangi­ngisda ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos banggain ng Chinese vessel ang isang bangkang Filipino na F/B Gem-Ver sa Recto Bank noong unang bahagi ng Hunyo, 2019. Galit ang maraming Filipino sa pagbangga sa ating mga kababayan, lalo na sa pagpapabaya ng mga nakabanggang Chinese vessel sa 22 mangingisda nang lumubog na bangka. Marami ang nagpahayag ng kanilang galit at kondemnasyon kahit mismo sa mga opisyales ng gobyerno. Ngunit, ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Duterte ang pangyayari, at sinabing “small maritime…

Read More

PANGANGASIWA SA MGA UTILITY, KANINO DAPAT?

SA GANANG AKIN

Ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay nagbigay ng pag-asa na maiibsan nito ang lumalalang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Inaasahan ding matutugunan nito ang lumalalang kakulangan sa supply ng tubig sa bansa. Hindi lamang supply ng tubig ang kulang kundi pati ang reserba ng kuryente sa bansa ay nagkukulang na rin. Patunay nito ay pag-aanunsyo ng mga yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod ng manipis na reserba ng kuryente. Nagresulta rin ito sa pagpapatupad ng rotational brownout…

Read More

SEN. PING LACSON HINDI TITIGIL SA PAG-EXPOSE SA TARA SYSTEM SA BOC?

HAGUPIT NI BATUIGAS

Malaking palaisipan sa mga lehitimo at matitinong negosyante at opisyal ng Bureau of Cutoms (BOC) ang biglang pagtigil o pananahimik ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kaugnay sa kanyang “exposé” na patuloy ang lagayan at “Tara System” sa ahensya. Sa exposé ng mambabatas, tinukoy nito ang dahilan kung bakit patuloy na nakakapasok ang mga tone-toneladang basura mula sa ibang bansa, dahil mismong mga tiwaling tauhan ng ahensya ang nagpapalusot. “Hangga’t may mga tumatanggap ng tara at tiwaling tauhan ng ahensya ay hindi mapipigilan ang pagpasok ng illegal drugs at basura mula…

Read More

FASHION TIPS PARA SA MGA PETITE

PETITE

(Ni ANN ESTERNON) Maraming nag-aakala na kapag sinabing petite ay ito lamang ay mga maliliit at slim. It refers to women who are 5’4 and under. Petite women come in all shapes and sizes. Kung petite ka o maliit na babae, hindi naman mahirap ang pumorma. In all honesty, sa ganyang hugis at laki mo ay dapat may mga bagay kang ikino-consider para hindi ka magmukhang baduy o bakya sa pananamit at sa halip in style ka pa rin at dapat may lalaruin ditong illusion para hindi gaanong mapansin ang…

Read More

OFW PINAPAKAIN NG PANIS NG EMPLOYER, EASTERN OVERSEAS MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW ang ating kabayani na si Sheila Mae Castillo upang humingi ng tulong sa kanyang kasalukuyang dinaranas sa Saudi Arabia. Sa pamamagitan ng ating Ako OFW Welfare Volunteer na si Aisya Consulelo ay ipinarating n’ya ang kanyang kumpletong detalye kalakip ang mga larawan ng kanyang kalagayan. Nakakahabag na makita s’ya sa sitwasyon na mistula s’yang itinapon na lamang sa isang palikuran o ng kanilang laundry area, na kung saan ang kanyang tulugan ay katabi mismo ng mga washing machine na may sukat lamang na sapat para makahiga…

Read More

FREE RIDE SA MRT, PNR, LRT ‘WAG LAGYAN NG TAKDANG ORAS

POINT OF VIEW

Nitong June 27, 2019 inihayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na lahat ng estudyante ay makakasakay nang libre sa lahat ng tren na pag-aari ng gobyerno epektibo sa Hulyo 1, bukas. Kabilang dito ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Line 2 (LRT 2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3). Hindi naman kasama ang LRT 1 dahil pribado ito. Magandang balita ito para sa mga mag-aaral sa Metro Manila dahil makakatipid sila sa kanilang baon o yaong para sa pamasahe sana ay maaari…

Read More