REBATE PARA SA LAHAT NG NAWALAN NG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Tagumpay ng taumbayan ang P153.93 at P2,197.94 na dagdag pa na voluntary bill rebate mula sa Manila Water, ngunit sa tingin ng Bayan Muna at sa tagapangulo nito na si Neri Colmenares, hindi ito sapat. Bagama’t tinitingnan natin bilang positibong pangyayaring ito matapos maghain ang Bayan Muna at iba pang grupo ng reklamo laban sa Manila Water, kailangan ay mas maraming konsumer na apektado ng water interruption ang mabigyan ng kompensas¬yon. Nararapat na lahat ng apektado ng kawalan ng tubig ay mabigyan ng makatarungang kompensa¬syon! Dapat hindi lamang ang mga…

Read More

P45-K LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC-PDEA; FILIPINO-AMERICAN ARESTADO

LIQUID MARIJUANA

(Ni JOEL AMONGO) Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 30  vape cartridges mula sa isang Filipino-American na pinaniniwalaang naglalaman ng liquid marijuana  na nagkakahalaga ng P45,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa  Pasay City nitong Lunes ng hapon. Kinilala ni NAIA-Customs District Collector Carmelita Talusan ang naares¬tong dayuhan na si  Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng  Winconsin, United States, at residente ng  Merville Subdivision, Parañaque City. Idineklara umano ang mga cartridges bilang tsokolate na pinadala umano ng isang…

Read More

SAMU’T SARING SMUGGLED ITEMS NASAMSAM

BOC-PORT OF CEBU

Kabilang ang porno paraphernalia, undeclared meds at imported meat Sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra smuggling, iba’t ibang mga puslit o smuggling na kargamento ang nasabat ng ahensya mula sa iba’t ibang puwerto ng bansa. Sa Port of Cebu, nasabat ang kontrabandong naglalaman ng mga pornographic paraphernalia  na nagmula sa bansang China kamakailan. Ang nasabing shipment ay dumating umano sa Sub-Port of Mactan, Cebu mula sa China noong nakaraang Marso 16, 2019 na dala ng isang pasahero na nagngangalang Coleman Timothy Philip. Ayon kay Customs Examiner…

Read More

TAX-FREE NA SA KARGAMENTONG MAY HALAGANG P10-K PABABA

BOC-2

(Ni JOEL O. AMONGO) Libre na ngayon sa duties and taxes ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kargamentong nagkakahalaga ng sampung libong piso pababa. Ito’y batay na rin sa Customs Administrative Order (CAO)  na ipinatupad  ng Bureau of Customs (BOC)  na bahagi sa inaprubahang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Noong Setyembre 28  ng nakaraang taon ay inilabas ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang CAO No. 02-2016 o ang tinatawag na “imported goods with ‘De Minimis’ value not subject to duties and taxes”  na inaprubahan naman ni Finance Secretary…

Read More

‘DUWAG SA TSINA ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE’

TINGNAN NATIN

SINISIRA talaga ng mga Intsik ang likas na yamang dagat sa West Philippines Sea, hindi na ito sikreto at hindi na maitatago. Tingan Natin: kitang-kita sa sariwang mga “satellite images” na inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ang mapaniraang mga barko ng intsik na humahango ng taklobo sa karagatang sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas. Bukod sa walang pakundangang pagnanakaw ng mamahalin at endangered na “giant clams” o Taklobo, permanenteng pinsala ang dulot ng pamamaraan ng mga Intsik na nanghihimasok sa teritoryo ng bansa. Inaari ng Tsina ang halos kabuuan…

Read More

DAPAT KASUHAN ANG MGA NARCO-POLS

SIDEBAR

Sa kabila ng kampanya ng Department of Interior and Local Government laban sa 46 lokal na opisyal na sinasabing narco-politicians, 27 sa 37 tumakbo para sa re-election at ibang posisyon ang nanalo sa halalang Mayo 13. Sa 27 na narco-pols na nanalo, 18 ay binoto muli sa parehong posisyon samantalang walong incumbent mayor at vice mayor ang nanalo sa ibang posisyon dahil sa term limit na itinatadhana sa ating Saligang Batas. Kabilang sa mga nanalong narco-pols ay 18 mayor, tatlong vice mayor, dalawang kongresista, isang vice governor, isang provincial board…

Read More

PAGSASAPUBLIKO NG KALUSUGAN NG PANGULO ‘DI KAILANGAN SA NGAYON

PRO HAC VICE

Bagama’t aminado si DOJ Secretary Menardo Guevarra na nakasaad sa Konstitusyon na obligasyon ng pangulo ng bansa na ihayag sa publiko ang anumang seryosong kondisyon nito. Pero paliwanag ni Secretary Guevarra na hindi obligado ang pangulo na isapubliko ang kanyang health condition kung hindi naman ito seryoso. Dagdag pa niya ay walang malalang kondisyon si Pangulong Duterte dahil tuluy-tuloy naman nitong nagagampanan ang kanyang trabaho at kahit sa kanilang cabinet meeting ay lagi naman itong naroroon. Kaya para roon sa masyadong nagmamadali na mawala na sa puwesto si Digong, mukhang…

Read More

PAGPASA NG KAMARA SA MANDATORY ROTC IKINAGALAK NG PALASYO

ROTC-4

(Ni BETH JULIAN) Itinuturing na magandang balita para sa Malacañang ang pagkakapasa ng Kamara sa pagbabalik ng ROTC bilang mandatory subject sa kolehiyo. Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, magandang resulta ito dahil isa ito sa mga panukala na nais na maisabatas ni Pangulong Rodrigo Dutere. Kamakalawa nang iulat na naipasa na sa Kamara sa ikatlo at huling pagdinig ang panukalang batas na maibalik at gawing mandatory ang ROTC. Ayon kay Panelo, nais itong maisakatuparan ng Pangulo upang mabuhay muli ang pagiging makabayan ng…

Read More

PARTY-LIST LAW PAAAMYEDAHAN NG OPOSISYON

congress

(Ni BERNARD TAGUINOD) Paaamyedahan ng oposisyon sa 18th Congress ang Republic Act (RA) 7941 o Party-list Law upang tanging ang mga marginalize sector at may constituent sa buong bansa  ang magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang tiniyak ng grupong Magnificient 7 sa Kamara sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman sa press conference sa gitna ng kontrobersyal na isyu sa kaso ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema na gustong maging kinatawan ng Duterte Youth party-list group. “I think we really need to seriously…

Read More