ILANG OPISYAL NG POLO KUWAIT, NAGLALASINGAN SA MISMONG OPISINA?

BANTAY OFW

Samu’t saring dagdag impormasyon at reaksyon ang aking natanggap mula nang aking ilathala sa a­king Facebook account na aking tatalupan ang nagaganap na anomalya sa ating Philippine Overseas Labor Office sa Kuwait. Isa na rito ay ang sumbong ng isa sa mga “volunteer ward” na hanggang sa kasalukuyan ay nasa loob pa rin ng OWWA Shelter kung kaya hindi natin papangalanan ayon na rin sa kanyang kahilingan. Ayon sa ating “inside informer” ay nitong nakaraang buwan lamang ay nag-orga­nisa ng isang munting kasiyahan ang dalawang opisyal ng POLO kasama ang…

Read More

ASAL NG MGA INTSIK SA ATING BAYAN

TINGNAN NATIN

HINDI tayo “racist” o nang-aalipusta ng ano mang lahi dahil naniniwala tayo na ano mang lahi ay nararapat bigyan ng kaparehong pagpapahalaga at respeto bilang tao. Tingnan Natin: may mga kaugalian ang bawat lahi na maaaring katanggap-tanggap sa kanila, pero hindi sa iba. Dito papasok ang konsiderasyon ng nararapat at hindi nararapat, partikular sa aksiyon at asal sa ibang bayan. Marami sa ating mga Pinoy ang balahura sa pagmamaneho, simpleng batas trapiko ay nilalabag, walang pakialam sa kapwa sa lansangan. Pero pagdating sa ibang bansa tulad ng Amerika, aba’y kaya…

Read More

MALILIIT NA MAGBABABOY UMAARAY SA BUMABAHANG IMPORTED PORK

POINT OF VIEW

Umaaray ngayon ang mga maliliit na magsasaka ng baboy sa bansa dahil sa pagbaha ng mga imported na karne nito sa ating bansa. Naging sanhi ito sa pagbagsak ng farmgate price ng baboy sa bansa na nagkakahalaga na lamang ng P110 per kilo na umano’y parang balik puhunan lamang o lugi pa sila rito. Ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) labis na nakakaapekto sa mga maliit na magbababoy o yaong tinatawag na “backyard hog raisers” ang sobra-sobrang suplay ng imported na karne ng baboy kaya nagbabanta na…

Read More

PULSE ASIA ANG BAGONG COMELEC

FOR THE FLAG

Nakakabilib ang Pulse Asia, paano ba naman, idineklara na nila ang mga panalong party-list group. Labing-apat na grupo ang may tig-iisa nang seat sa Kongreso, para sa nasabing survey firm. Nasa 134 ang mga party-list groups na nagla¬laban-laban ngayong dara¬ting na eleksyon para sa 59 na upuan sa Mababang Kapulungan. Sa ranking na ginawa ng Pulse Asia, maraming mga kilalang party-list ang nasa laylayan. Samantala, naglagay ito ng mga makakaliwang mga party-list na karaniwan na naman talagang nananalo sa bawat halalan. Kung susundin ang opinyon ng Pulse Asia, 45 na…

Read More

KAPILYA NG INC PINAGBABATO NG MGA LASING; KAPITAN, IBA PA LUMABAG SA R.A. 8749, R.A. 9514

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng Nabua Camarines Sur. Dahil nagulat na lamang kami habang nagsasagawa po kami ng panata nang paulanan ng mga bato ang loob ng a­ming kapilya rito sa Nabua, CamSur. Nang silipin po namin kung sino ang mga ito, nakita namin na may mga dalang itak at mga lasing na kinilalang mga pamilya ng Villa­mero, Ani at Mina. ‘Yong isa ay isang alyas Akoy. Sila ay mga kilalang siga po sa aming lugar, katuna­yan iyong isa naming may tungkulin na dumaan lang sa harapan ng…

Read More

MAS LUMAKAS ANG EKONOMIYA SA MGA REHIYON PERO MANIPIS PA RIN ANG ATING PITAKA

USAPANG KABUHAYAN

Naging mas malakas noong 2018 ang mga negosyo at kabuhayan sa mga rehiyon ng Pilipinas sa pangunguna ng Bicolandia na nagtala ng pinakamala­king antas ng paglaki ng ekonomiya nito. Pero ang National Capital Region o Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon pa rin ang may pinakamalaking kontribusyon sa buong ekonomiya ng ating bansa dahil halos kalahati ng kita ng buong bansa ay nangga­ling sa tatlong rehiyon na ito nu’ng isang taon. Sa pinakahuling balita ng Philippine Statistics Authority (PSA), naging lider ang Bicolandia kung tutuusin ang 8.9 porsyento na paglaki…

Read More

SALAULA TAYONG MGA PINOY 

BAGWIS

(HULING BAHAGI) Nitong nakaraang kolum natin ay ikinuwento natin ang kawalan ng disiplina ng ilan sa ating mga kababayan sa bayan ng Sagada. Ito ‘yung mga naninigaril­yo kahit sa pampublikong lugar at mga nagtatapon ng basura kung saan-saan sa halip na ilagay ito sa tamang lagayan. Ganitung-ganito rin ang ating obserbasyon sa isla naman ng Bantayan sa lalawigan ng Cebu. Pasimuno ang ating mga kababayan sa pagiging salaula. Ang nakakalungkot ay napakaganda nitong Bantayan. Pino at maputi ang mga dalampasigan at napakarami ang maaaring pasyalan maliban pa sa mga inaalok…

Read More

GIYERA SA BASURA NG CANADA

SIDEBAR

Mga taong 2013 at 2014 bumaha sa bansa ang mga container na naglalaman ng mga basura na galing sa Canada. “Recyclable scrap plastics” ang dekla­rasyon ng mga importer ng basura sa bill of lading na siyang isinusumite sa Bureau of Customs para sa kaukulang buwis kung mayroon man. Umabot sa 103 shipping containers na naglalaman ng basura mula sa Canada ang nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng Port of Subic at Port sa Manila at hanggang ngayon ay nakasalansan ang mga shipping containers habang naghihintay na maibalik sa bansang Canada.…

Read More

HUSTISYA PARA KAY COUNCILOR TOTO PATIGAS SR.!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Abot-langit ang aming poot at pighati sa walang-awang pagpaslang kay Bernardino “Tay Toto” Patigas Sr., incumbent city councilor ng Esca­lante City, Negros Occidental. Siya ay walang-awang pinagbabaril habang siya ay lulan ng motorsiklo noong Lunes, ika-22 ng Abril. Siya ay 72 taong gulang. Hindi lamang ordina­ryong public servant si Tay Toto. Siya ay survivor ng Escalante Massacre noong 1985, ito ang pamamaril sa kilos-protestang isinagawa sa ika-13 taon ng Martial Law. Nasa 20 katao ang namatay sa insidente. Binigay ni Tay Toto ang kanyang buong buhay at lakas sa paglilingkod…

Read More