Iba rin umano itong si Jervino Maglunob, dating Chief-of-Staff ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement Group, dahil habang nag-e-enjoy umano sa masarap na buhay sa nabiling farm sa lalawigan ng Laguna ay halos hindi naman magkandaugaga sa paghahanapbuhay ang negosyante na inutangan umano nito ng tumataginting na P13 milyon. Pagkatapos umanong lapitan ni Maglunob ang negosyanteng si Bernie Miaque upang maglabas ito ng P13 milyon para pondohan ang kanyang negosyo ay tila nagkaamnesiya na umano ito. Ang masaklap ay hiniram lang din ni Miaque sa mga kamag-anak ang malaking parte…
Read MoreAuthor: admin
AWAY SA BUDGET DAHIL SA MATAGAL NG AWAY NINA GLORIA AT PING
Lumalabas sa bagong kasunduan sa pagitan ng Senado at ng Kamara tungkol sa isyu ng 2019 General Appropriations Act (GAA) na dahil lang talaga sa matagal nang away sa pagitan nina Senador Panfilo Lacson at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang away kung sino ang tama o mali sa dalawang Kamara ng Kongreso. Ibabalik na raw ng Kamara o House of Representatives ang orihinal na GAA na pinagkasunduan ng bicameral conference committee ng dalawang Kamara para hindi na magprotesta ang Senado at mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang GAA at…
Read MoreSEN. TRILLANES A-TAPANG A-TAO NAGPAPASAKLOLO?
Naniniwala ako noon na maninindigan itong si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang mga binitawang salita na kaya niyang panindigan o patunayan sa Makati City Regional Trial Court na lehitimo ang kanyang pagkaabsuwelto sa kasong rebellion dahil sa ipinagkaloob na amnestiya sa kanya ng Aquino administration. Pero ano ito?! Bakit ngayon ay tila hindi na nito mapanindigan ang kanyang mga pahayag noon, at ngayo’y nagpapasaklolo na siya sa court of appeals? Pahiwatig ba ito na nabahag na ang buntot ng senador? O dahil nakita nito na mayroong sapat na basehan…
Read MoreBATOCABE CASE NAPOPOLITIKA
Isa umanong opisyales ng Department of Justice (DOJ) na kamag-anak ng isang kumakandidatong opisyales sa Albay ang gumagamit umano ng kanyang posisyon upang impluwensiyahan ang kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ngayon ay inaakusahang utak umano sa pagkamatay ni dating AKO-BIKOL Congressman Batocabe. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa tanggapan ng DOJ, isa umanong “Usec. P” na kamag-anak umano ng tumatakbong alkalde ngayon sa Daraga ang “bumabraso” upang impluwensiyahan ang kaso. Liban kay Rodel Batocabe, tumatakbo bilang alkalde ang isang kilala sa tawag na “VP” na kamag-anak ng…
Read MoreHUSTISYA PARA KAY JAMES VINAS!
Mariing kinokondena ng Bayan Muna ang pagpaslang sa miyembro at coordinator nito sa Borongan City, Samar. Ito ay atake hindi lamang sa progresibong partido ng Bayan Muna kundi sa demokrasya at karapatang-pantao. Pinatay si James Vinas noong March 12 sa labas ng kanyang bahay, ganap na alas-7:15 ng gabi. Kami ay humahati sa pighati ng mga naiwang pamilya, kaibigan, at mga kasama ni James. Ang mas mapait pa sa sinapit niya ay ang tila kawalang-bahala ng pulisya upang hanapin ang tunay na may gawa ng krimen. Pinapalabas nila na ang…
Read MoreARTIPISYAL NA KRISIS SA TUBIG
Marso 6 nang magsimulang mawalan ng tubig sa east zone ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Manila Water na pag-aari ng mga Ayala at umaabot sa 1.2 milyong kabahayan (households) ang sakop ng operasyon ng naturang kompanya ng tubig. Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lugar sa Eastern at Southern Metro Manila kung saan kasama ang mga siyudad ng Mandaluyong, Pasig, Marikina, San Juan, Makati, Pasay, Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas. Kasama na rin sa sineserbisyuhan ng Manila Water ang mga bayan ng Binangonan, Angono at Baras sa lalawigan…
Read More202ND: BEST ARMY BRIGADE
Ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 na nasa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay papalapit na rin sa rurok ng kanilang serbisyo. Ilang taon na lamang at sila’y balik na rin sa pagkasibilyan, retired na. Karamihan sa mga miyembro ng Maringal class ay nasa Philippine Army kung kaya masikip na masikip ang posisyunan para sa kanila sa mga tinatawag na most-coveted position gaya ng Chief of Staff, Army chief, Air Force chief, at Navy chief, at iba pa. Gaano man sila karami mayroon…
Read MoreANG KABABAIHANG FILIPINO AT USAPIN NG MIGRASYON
(IKALAWANG BAHAGI) Sa huling bahagi ng sulating ito ay may naiwang ‘di direktang katanungan kung ang migrasyon at partisipasyon ng mga kababaihan sa lakas-paggawa ay nagdudulot ng totoong pag-angat ng pangkalahatang estado ng kababaihan. Ayon sa ilang pag-aaral, maaaring ang usapin ng migrasyon ng kababaihan para magtrabaho ay naging isang salik para pagbabago ng pananaw at paggampan sa mga gender roles ng parehong lalake at babae. Medyo nababasag na ang de-kahong pananaw kaugnay sa kung ano ang gampanin ng isang babae o isang lalake. ‘Di na lang si tatay ang aasahang magtrabaho, at si…
Read MorePINAKAMALAKING KATANUNGAN: KAILAN BABALIK SA NORMAL ANG SUPPLY NG TUBIG?
Napakatindi ng krisis na dinaranas natin sa kasalukuyan. Mawala na ang lahat huwag lang ang tubig. Ang tubig ay buhay. Kailangan natin ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kailangan natin ng tubig sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. Kailangan natin ng tubig sa paglilinis ng kapaligiran. Kailangan natin ng tubig upang manatiling malusog ayon nga sa matatanda. Ang kahalagahan ng tubig ay isang bagay na hindi kailanman nagbago mula noong panahon ng mga ninuno natin magpasa-hanggang ngayon. Kung babalikan ang kasaysayan, kung manonood ng mga documentary ukol dito, makikita na…
Read More