PACQUIAO SA US MAGPAPASKO

Kung walang magiging pagbabago sa training schedule, posibleng sa Amerika magdiwang ng Pasko at maging ng Bagong Taon si eight division world champion Manny Pacquiao. Si Pacquiao ay lumipad patungong US noong Sabado, kasama ang misis na si Jinkee at ilang miyembro ng Team Pacquiao upang dumalo sa two-city tour press conference sa New York at Beverly Hills, para sa laban nila ni Adrien Broner sa Enero 19, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ayon kay head trainer Buboy Fernandez, agad sasalang sa training si Pacquiao pagbalik…

Read More

PP 45:  PINOY VS MEXICAN, GHANAIAN BOXERS SA SABADO

CEBU — Nakatakdang dumating sa Lunes (Nobyembre 19) ang dalawang Mexican warriors at isang Ghanaian national champion upang makipagbakbakan sa mga Pinoy boxers na itatampok sa Pinoy Pride 45 triple WBO regional championships. Gaganapin ang sagupaang handog ng ALA Promotions sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center ditto. Si Victor Uriel Lopez  (13-6-1, 6KOs) ng Mexico City ay haharapin si Jeo Santisima para sa WBO Oriental super bantamweight title, habang si Victor Hugo Reyes (8-1-1, 7Kos) ng Tijuana ay makikipagtipan naman kay unbeaten KJ Cataraja para sa bakanteng WBO Youth…

Read More

BEAUTIFUL BOXERS RUMAMPA SA PICC

Rumampa sa PICC ang unang Pinoy boxer na umaming bakla na si Roilo Golez (aka Yohana Golez), kasama ang sikat na muaythai boxer na si Parinya Charoenphol (aka Nong Toom) ng Thailand. Dumalo ang dalawa sa ginaganap na 3rd WBC Women Convention at WBC Asian Summit na inorganisa ng Games and Amusement Board sa pangunguna ni chairman Abraham Mitra at dinaluhan ng mga Pinoy champions at Asian champions, gayundin ng mga ring officials at mediamen. Lalong nakilala si Charoenphol, na isang knockout artist, nang gawan ng pelikula ang kanyang buhay…

Read More

ALASKA, MAGNOLIA AGAWAN SA KORONA

Hindi na pinaabot ng Alaska sa Game 5 ang semifinal series kontra Meralco, nang tapusin nila ito sa pamamagitan ng 99-92 win kagabi sa Cuneta Astrodome. Dahil sa 3-1 panalo sa serye, ang Aces ang hahamon sa Magnolia para sa Governors’ Cup crown. Ito rin ang pagbabalik ng Alaska sa finals matapos ang dalawang taon, kung saan natalo sila sa Rain or Shine sa finals ng Commissioner’s Cup. Mahaba-habang paghahanda ang magagawa ng Alaska at Magnolia bago magharap sa Game One ng best-of-seven finals na gagawin sa Disyembre 5 sa…

Read More

NU PEP SQUAD BALIK SA TRONO

Nabawi ng National University Pep Squad ang titulo nang muling tanghaling kampeon sa UAAP Cheerdance Competition, Sabado sa MOA Arena. Mula sa pagiging fourth place noong nakaraang taong season, kumulekta ang NU Pep Squad ng 711 points upang angkinin ang ikalimang korona sa huling anim na taon. Swak sa panlasa ng mga hurado at fans ang performance ng NU Pepe Squad, dahilan para maibulsa ang titulo at ang P50,000 cash prize. Pumangalawa naman ang Far Eastern University Cheering Squad na nakakuha ng 655.5 points at P30,000 cash prize. Habang ang…

Read More

DU30 ‘DI TINAPOS ANG APEC SUMMIT

Napaaga nang halos isang araw ang uwi ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa dinaluhan nitong mga aktibidad sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meetings sa Papua New Guinea. Sa ipinadalang abiso ng Malakanyang, hindi na natapos ng Pangulo ang mga aktibidad at napaaga ito ng uwi kagabi, Nobyembre 17, sa halip ngayong hapon, Nobyembre 18. Agad umano itong nagtungo sa Davao at nakarating dakong alas 3:00 ng madaling araw. Wala namang ibinigay na dahilan ang Malakanyang kung bakit napaikli ang APEC trip ng pangulo at tanging ang…

Read More

ELECTION ‘HOTSPOTS’ DUMARAMI

Dahil sa sa serye ng pananambang sa ilang mga lokal na opisyal sa La Union, isinama ang lalawigan sa listahan ng election hot spots sa bansa, at maaaring madagdagan pa ito, ayon sa Philippine National Police (PNP). Maaalala na kamakailan ay napatay si Balaoan Vice Mayor Alfred Concepcion at nasugatan naman ang anak nitong si Mayor Aleli Concepcion, habang nasawi si Supiden Mayor Alexander Boquing noong nakaraang buwan. Paglilinaw naman ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, desisyon pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) kung ito ay isasailalim sa kanilang…

Read More

1,368 BARANGAY MASASAPOL NI ‘SAMUEL’

Papalo sa 1,368 na barangay ang posibleng masapol ni Tropical storm Samuel sa Mindanao Region, babala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang pahayag ay ginawa ni NDRRMC spokesman Edgar Posadas kasunod ng Pre-Disaster Risk Assessment meeting para talakayin ang pag-responde sa mga maaapektuhang residente. Nagsimula na umanong maghanda ang kanilang tanggapan at mga ahensiyang nasa ilalim nila sa pagtama ng typhoon Samuel. Hindi man kasing lakas ng Bagyong Ompong, ang Typhoon Samuel ay na-monitor na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng (Linggo)…

Read More

PAGTANGGAL SA WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN IBASURA

Dapat na ibasura nang Commission on Higher Education (CHED) ang polisiya na tanggalin ang wikang Filipino at panitikan sa  curriculum sa kolehiyo. Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, ang pambansang wika ng alinmang bansa ay dapat ituring na mahalagang kurso sa mga paaralan. Sa panig ni Senador Koko Pimentel, iginiit nitong ibalik sa core curriculum sa kolehiyo ang pambansang wika at panitikan dahil marami naman umanong natutunan dito. Para naman kay Senador Ping Lacson ay nakahihiya na sa kabila ng pagiging Pilipino ay maraming mga bata ngayon ang hindi marunong magsalita…

Read More