Malaking problema sa supply ng mga bilihin ang tiyak na kakaharapin ng mga distributor dahil sa ikinasang truck holiday o tigil-biyahe ng mga truck driver at operator. Ito ang ikinababahala ni Steve Cua ng Philippine Amalgamated Supermarket Associations, kung saan ay maaari umano itong magresulta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo pa’t nalalapit na ang holiday season, panahon kung kailan tumataas ang “demand” ng ilang mga produkto. Ngayon pa lang ay nangangamba na ang mga may-ari ng mga supermarket na masasapol ang ka-nilang negosyo dahil sa bantang truck…
Read MoreAuthor: admin
PASARAP NA OPISYAL SISIBAKIN NI DIGONG
Namumurong masibak ang isang lakwatserong opisyal ng gobyerno makaraang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na inakala niyang makatutulong ito sa kanyang administrasyon kaya itinalaga, subalit taliwas umano ang ginagawa nito. Sa kanyang talumpati sa leaders meeting sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Papua New Guinea, inamin ng pangulo sa harap ng Filipino community na ang nasabing opisyal ay nasasangkot sa mga katiwalian. Kung ilang beses na rin umanong nagtungo sa ibang bansa ang opisyal gamit ang pondo ng pamahalaan. Dahil sa mga nabanggit na rason kaya napagdesisyunan ng…
Read More56 ANYOS NA LALAKI, UTAS SA SUNOG
Nasawi ang 56-anyos na lalaki matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Habang humigit kumulang naman sa 15 kabahayan ang nadamay na tinatayang aabot sa halagang P400,000 ang napinsalang ari arian. Nakilala ang nasawi na si Rolando Argote, residente ng Molina St. Brgy. Viente Realis. Ayon sa mga residente, dakong 6:15 ng umaga nang unang makarinig ng pagsabog na sinundan ng pagsiklab ng sunog na nagmula sa bahay na pag-aari umano ng isang Elvira Galduque sa naturang lugar. Mabilis kumalat ang apoy na umabot…
Read MoreDEDBOL SA RIDING-IN-TANDEM
DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem habang tumatagay mag-isa sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ang biktimang nagtamo ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Rolly Joerge Domingo, alyas “Yammy”29, residente ng 229 M. Naval st. Daanghari. Sa report mula sa tanggapan ni Navotas police chief Sr. Supt. Ramchrisen Haveria Jr., alas-11:00 ng gabi, nakaupo ang biktima sa pinto ng kanilang bahay habang tumatagay mag-isa nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet. Bumaba…
Read MoreTEACHER, NAGNAKAW NG LAPTOP KALABOSO
Arestado ang isang Senior High School Teacher makaraang ireklamo ng kanyang 2 co-teacher na ninakawan umano nito sa ng laptop sa loob ng faculty room sa isang eskuwelahan sa Valenzuela City. Si Francisco Lucaban y Castillo, 55-anyos, Senior High School Teacher, tubong Catarman, Northern, Samar, at kasalukuyang naninirahan sa 46 Asuncion St., Morning Breeze Subdivision, Caloocan City ay nahaharap sa kasong 2 counts of Theft at falsification of document. Naaresto ang suspek makaraang agad na makahingi ng tulong sa pulisya ang mga biktimang sina Marwin Tatoy y Alcoy, 25-anyos at…
Read MoreLIFETIME CELLPHONE NUMBER ACT, APRUB NA SA BICAM
Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang pinagsamang bersyon ng Senado at Mababang Kapulungan na panukalang hindi na kailangan magpalit ng mobile number kapag lumipat sa ibang mobile service provider o magpalit ng subscription plans mula prepaid tungo sa postpaid o vice versa. Inihayag ito ni Senador Win Gatchalian matapos aprubahan ng komite ang pagsasanib ng Senate Bill No. 1636 at House Bill No. 7652, mas kilala bilang Lifetime Cellphone Number Act. “Isang hakbang na lang ang mga consumer patungo sa pagkakaroon ng kalayaan na mamili ng provider na magbibigay…
Read MoreOGMA NILIKHA
Upang matugunan ang mga karaingan at tanong ng foreign media hinggil sa gobyerno sa Pilipinas, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang paglikha sa Office of Global Media Affairs (OGMA). Ang OGMA ay attached agency ng Presidential Communications Operations Office na pamumunuan ni dating television reporter JV Arcena. “We are already paving the way at the possibility of that press attaché division kaya ang PCOO po, sa ilalim ng Office of Press Secretary ay nagbuo na ng Office for Global Media Affairs ,” ayon kay Andanar. Ipoproseso umano nila…
Read MoreSC KAY EMILIO AGUINALDO IV: GUILTY
Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol na “guilty” laban sa kaanak at kapangalan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa pitong pahinang extended minute resolution, inihayag ng SC Second Division, na wala itong nakitang basehan para baligtarin ang resolusyon ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa desisyon ng Regional Trial Court ng Makati City, Branch 147 na nagsasabing nagkasala si Emilio J. Aguinaldo IV sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 (2)(a) ng Revised Penal Code makaraang mapatunayan ng SC na pineke nito ang pagiging kinatawan ng angkan.…
Read MoreDU30 TATAPAK SA US ‘PAG NAIBALIK ANG 3 BALANGIGA BELLS
Malaki ang tsansang tumapak sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kapag naibalik na sa Pilipinas ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng mga Amerikano bilang “war booty” noong Philippine-American War. Ang pagsasauli ng Balangiga Bells, ayon kay Foregn Affairs Secretary Teddyboy Locsin, ang naging kon-disyon ni Pangulong Duterte para tanggapin ang paanyaya ng Washington na bumisita siya sa Amerika. Ayon kay Locsin, isang ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Pangulong Duterte nang ipaalala sa kanya ang nasabing kondisyon kasunod ng pasya kamakailan ng Amerika na ibalik sa…
Read More