COVID-19 CASES SA PINAS: 15,049

TUMATAAS pa rin ang bilang ng mga naitatalang tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Ito ay matapos muling makapagtala ng panibagong higit 300 kaso sa ikalawang araw ang Department of Health (DOH). Batay sa case bulletin ng DOH ngayong araw, may 380 na bagong nagpositibo sa COVID-19 dahilan para umakyat sa kabuuang 15,049 ang kaso nito. Mula sa nasabing total, 10,639 umano ang active cases. Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 3,506 dahil sa nadagdag na 94 na gumaling. Samantalang ang death toll ay 904 na matapos madagdagan ng 18.…

Read More

OFWs nagugutom, walang matirhan OWWA KINASITGO NG PALASYO

ofw

IPINAALALA ng Malakanyang sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mandato nitong masigurong natutulungan at naibibigay ang mga pangangailangan ng mga OFW sa iba’t ibang bansa. Kasunod ito ng mga ulat na marami sa mga OFW sa ibayong dagat ang nahinto sa pagtatrabaho dahil sa COVID-19 kaya’t wala nang pambayad sa nirerentahan nilang bahay at ‘yung iba, umaasa na lamang sa ibibigay sa kanilang pagkain ng kapwa OFW. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, malaki ang naitutulong ng remittances ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya ngayon na sila…

Read More

Mga artista ng ABS-CBN binuweltahan AIRWAVES ‘WAG GAMITIN SA PAMBABALAHURA – SOLON

PINAALALAHANAN ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga artista ng ABS-CBN na huwag gamitin ang airwaves ng mga Filipino para paglaruan ang mga tao. Sa online press conference, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante, pag-aari ng mga Filipino ang airwaves na ginagamit ng ABS-CBN kaya hindi ito dapat gamitin para balahurain ang mga tao. “I understand there are issues with regard to the network. I believe our airwaves should not be used by celebrities to mock other people for their faith,” pahayag ni Abante. Ginawa ng…

Read More

Masarap na buhay, puputulin BATO, INOBLIGANG MAG-REPORT SA SENADO

INATASAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dumalo sa kanilang sesyon sa Lunes makaraang mag-viral sa social media ang kanyang komento na masarap ang kanilang buhay sa hybrid session. Sa pagtatapos ng sesyon noong Martes, nadinig pa sa live streaming ng Senado ang pahayag ni Dela Rosa na umani ng batikos sa netizens dahil sa pagiging insensitive umano ng mambabatas. “Sarap buhay, sarap ng buhay, ganito na lang tayo palagi ah,” komento ni Dela Rosa. Sa kalagitnaan naman ng sesyon nitong Miyerkoles,…

Read More

ERC KINALAMPAG SA HINDI PA NARE-REFUND NA ‘OVERBILLINGS’ SA KURYENTE

HINIKAYAT ng Bayan Muna ang Energy Regulatory Commission (ERC) na gumawa ng paraan upang maibalik sa mga consumer an labis na nasingil sa kanila sa bayarin sa kuryente. Ayon sa Bayan Muna, dapat ipabalik ng ERC sa consumers ng Meralco ang bahagi ng P108 billion ‘overcharges, over-recoveries at bill deposits na nakolekta nitong nakalipas na mga taon. Nakadidismaya umano na hanggang ngayon ay hindi pa inaaksiyunan ng ERC ang refund na hirit ng mga consumer. “Meralco should do the proper and honorable thing by just returning the money to the…

Read More

‘PROTEKSYON’ NI PDUTERTE SA ‘POGO-CHINESE ILLEGAL HOSPITAL,’ PINUNA

PINUNA ni Senadora Leila de Lima ang posibleng ‘proteksyon’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng mga ospital ng mga Chinese national na pinagdududahang konektado sa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ratsada ni De Lima sa kanyang press statement: “As usual, when it comes to Chinese shenanigans or nefarious acts, tahimik lang ‘yung top man sa Malacañang sa bagay na ito.” Si Duterte ang tinutukoy ng senadora na “top man” sa Malakanyang. Si Duterte rin ang pinaniniwalaan ni De Lima na siyang utak sa pagpapakulong sa kanya dahil…

Read More

TELCOS, DAPAT MAGBIGAY NG LIBRENG INTERNET SERVICE

telco

NAIS paimbestigahan ni Senador Lito Lapid ang posibleng pagbibigay ng mandato sa telecommunication companies na makapagbigay ng libreng internet access para sa online learning portals, educational websites at mga kahalintulad na digital platforms. Layon ng free internet service na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng estudyante at guro sa panahon ng kalamidad at emergency kung hindi kakayanin ang pagsasagawa ng physical classes. Sa kanyang Senate Resolution 416, iginiit ni Lapid na dahil sa COVID-19 pandemic, napilitan ang mga paaralan na magsara. Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming paaralan mula sa primary…

Read More

JAILGUARD NA MAHILIG SA MASAHE, NATAKASAN NG 2 PRESO

LAGUNA – Nakatakas ang dalawang preso matapos malansi ng mga ito ang jail guard na nagpapamasahe sa dalawa pang inmates sa police custodial facility sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calauan police, nakatakbo ang mga inmate na sina Noel Ibareta at Mark Spencer Mendoza matapos buksan ng jailguard na si P/SSgt. Eric Pingol Yringan, ang gate ng selda. Si Ibareta, 41, residente ng Sto. Tomas, Batangas, ay may kasong murder habang ang 18-anyos na si Mendoza na taga Calauan, ay…

Read More

HELPER PATAY SA HIGH TENSION WIRE

CAVITE – Patay ang isang 50-anyos na helper na nagnais na kumita bagama’t lockdowm dahil sa coronavirus pandemic, makaraang makuryente habang nagkakabit ng roof flushing sa Dasmarinas City sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Mariano Balingasa dela Vega, binata, ng Block 39, Lot 8, AFP Housing, Brgy. Bulihan, Dasmarinas City. Sa ulat ni P/MSgt. Rolando Paulo Figueroa, dakong alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa bahay ng isang Catherine Guinto German sa Block 142, Lot 2, Phase 1, Mabuhay City Subd., Brgy Paliparan 3 ng naturang Lungsod. (SIGFRED…

Read More