2 ARESTADO SA RAPE SA 2 DALAGITA

rape

BULACAN – Dalawang hinihinalang rapist ang nadakip ng Bulacan Police sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Norzagaray at Plaridel matapos gahasain ang dalawang dalagita nitong nakaraang Martes. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Provincial Office (PPO), ang mga arestado na sina Ramil Rivas Luz, 52, security guard, at Emmanuel Ortiz, 39, tricycle driver. Base sa report ng Norzagaray Police, si Ramil Rivas Luz ay inaresto matapos pagsamantalahan ang kanyang 12-anyos na stepdaughter. Samantala, malamig na rehas din ang kinabagsakan ng suspek na si Emmanuel Ortiz nang…

Read More

TAUHAN NG PCG, PATAY SA AKSIDENTE SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard habang sugatan ang anim na iba matapos magpaikot-ikot saka tumaob ang sinasakyan nilang van sa Star Tollway ng bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, iniulat nitong Miyerkoles. Ayon sa PCG, dead on arrival sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center si Coast Guard Apprentice Seaman (ASN) Cenen Epetito. Habang inoobserbahan si Coast Guard ASN Adrian Añonuevo na dumanas ng minor hematoma at nananatiling nasa ICU ng ospital. Kabilang din sa mga nasugatan sina Seaman Second Class (SN2) Pacifico Casipi, SN2 Erdie…

Read More

DIGOS CITY NAGTALA NG 2ND COVID CASE

DIGOS City – Isang 29-anyos na lalaki ang iniulat ng City Health Office (CHO) nitong lungsod bilang pangalawang kaso sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Martes, Mayo 26. Ibinunyag ni Dr. Ronald Jumilla, city health officer 1, lumabas na ang resulta ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa pasyenteng asymptomatic at nasa isolation facility na ng isang ospital sa lungsod. Agad kumilos ang lokal na pamahalaan upang magsagawa ng contact tracing sa mga nakalapit sa pasyente, pati na ang pamilya nito. Napag-alaman, nagtatrabaho bilang medical personnel sa laboratoryo…

Read More

SOLON SA DOTR: BIKE LANES, ISAMA SA BUDGET

IPINASASAMA ni Senador Grace Poe sa pagpopondo ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga walking at cycling infrastructures sa ipatutupad na ‘new normal’ kasunod ng COVID-19 pandemic. “Marami sa ating mga kababayan ang nagbibisikleta na para lamang makapasok sa trabaho sa gitna ng pandemya. Ang kanilang pagtitiyaga ay suklian natin ng karampatang proteksyon,” saad ni Poe. Sinabi ni Poe na dapat gamitin ang pagkakataong ito upang gawing “bikeable, walkable at more liveable ang kapaligiran. Una nang isinulong ni Poe ang Senate Bill No. 588 o ang proposed Bicycle-Friendly…

Read More

SOLON SA DSWD: PAMAMAHAGI NG 2ND TRANCHE, MADALIIN

NANAWAGAN si Senate Pro-Tempore Ralph Recto sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag nang hintayin ang liquidation report ng local government units (LGUs) bago ibigay ang 2nd tranche ng Social Amelioration Program sa mga nangangailangan. Giit ni Recto, sa mga ordinaryong pagkakataon, ang panuntunan sa pag-audit ay dapat na sundin nang mahigpit ngunit sa gitna ng pandemya, maaari itong luwagan. Sinabi pa nito na marami nang mamamayan ang wala nang pera at pag-asa at umaasa na lamang sa tulong pinansyal mula sa gobyerno. “Why should the people…

Read More

WILKINS VILLANUEVA BAGONG PDEA DIRECTOR GENERAL

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Wilkins M. Villanueva bilang Director General of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Pinalitan ni Villanueva si Aaron N. Aquino. May petsang May 22 ang appointment paper ni Villanueva. Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang si Aquino para sa kanyang napakalawak na kontribusyon sa campaign against illegal drugs ng pamahalaan. Dahil sa magandang performance ni Aquino ay kaagad siyang binigyan ng bagong ‘assignment’ ni Pangulong Duterte sa Clark International Airport. Samantala, si DG Villanueva ay hindi na estranghero…

Read More

143 BRGY. OFF’LS KINASUHAN SA SAP ANOMALY

UMABOT sa 143 barangay officials ang sinampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy ng gobyerno, ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nitong Martes. Sinabi ng kalihim, sa isinagawang Laging Handa public briefing, nakahain na sa piskalya ang mga kaso laban sa barangay officials na hinihinalang nakinabang sa SAP. Habang nagpasalamat si SILG Año kay Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagbibigay prayoridad sa kanilang inihaing kaso kaugnay ng napabalitang anomalya sa SAP distribution. Nanawagan ang kalihim sa publiko na manatiling mapagmatyag…

Read More

P20-B OWWA TRUST FUND, IBIGAY SA OFWS – FFW

INIHAYAG ng Federation of Free Workers (FFW) ang solidong suporta nito sa panawagan ni Senador Franklin Drilon na ipamahagi ang malaking bahagi ng P20 bilyong trust fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa milyun-milyong manggagawang Filipino na natigil ang pagtatrabaho dahil sa malawakang hagupit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa iba’t ibang bansa. Banggit ng pangulo ng FFW na si Atty. Jose Sonny Matula sa manunulat na ito na, “Yes po. Agree kami sa panawagan ni Senador Drilon” na gamitin bilang suportang pinansiyal ang malaking bahagi ng P20 bilyong OWWA…

Read More

BAGONG PETSA NG SCHOOL OPENING TATALAKAYIN SA SENADO 

PORMAL nang binuksan sa Senado ang talakayan hinggil sa pagbubukas ng klase kontra sa itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24 ngayong taon. Inihain ni Senador Win Gatchalian, na siyang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang Senate Bill No. 1541 na naglalayong amiyendahan ang Section 3 ng Republic Act No. 7797  o  “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days.” Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ang Pangulo ng…

Read More