OFW ADVISORY COUNCIL SA LGU, NAPAPANAHON NA

AKO OFW

MABUTI na lamang at inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapauwi ang mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Halos araw-araw ay laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, social media at mga pahayagan ang mga reklamo tungkol sa pagkainip ng mga OFW na nasa mga hotel. Maging ako ay araw-araw na tinatawagan ng ilang OFWs na humihingi ng tulong upang makakuha sila ng kanilang Covid Test Clearance. Target ng reklamo ang OWWA dahil akala ng mga nagrereklamo na OWWA…

Read More

MGA EMPLEYADO NG ABS-CBN, BIKTIMA

PRO HAC VICE

MAITUTURING na biktima ang mga manggagawa ng Kapamilya Network sa pagkawala ng trabaho ng mga ito at kung tutuusin ay walang ibang dapat sisihin sa pagkapaso ng prangkisa ng nasabing kumpanya kung hindi mismong ABS-CBN at mga may-ari nito na pamilya Lopez. Paulit-ulit na nga nating nababasa sa diyaryo at internet at naririnig sa mga radyo at telebisyon ang mga balita na sa panahon pa ng kanilang kakampi na si dating Pangulong Noynoy Aquino ay alam na nilang kailangang isalang sa kongreso ang prangkisa upang ma-renew subalit mistulang nagkampante ang…

Read More

MGA DRIVER SA BINANGONAN, GINAWANG ‘RUNNER’

RIZAL – Nakaisip ng paraan ang pamahalaang bayan ng Binangonan upang hindi ito tuluyang malugmok sa gitna ng patuloy na umiiral na general community quarantine. Sa isang pagpupulong ng mga lokal na opisyal ng kanilang bayan, napagkasunduan nina Mayor Cesar Ynares at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan na gawing mga “kaagapay” ang mga sektor na lubhang naapektuhan ng tigil negosyo bunsod ng umiiral na GCQ sa buong lalawigan. Kabilang sa kanilang sinaklolohan ang mga drayber ng tricycle at mga habal-habal. Batay sa patakarang inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging…

Read More

ENGINEER, 2 PA TIMBOG SA ALAK

CAVITE – Nabuking ang kahon-kahon na alak na dala ng isang engineer at dalawang kasama nito sa isang checkpoint sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito. Nakakulong na sa Carmona Custodial Center ang arestadong mga suspek na sina Erwin Ariola, 30, engineer; Jerome Jamin, 42, treasury staff ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas, City, at Nilo Taro, 42-anyos. Ayon sa ulat ni P/Major Diana Del Rosario, hepe ng Carmona Municipal Police Station, dakong alas-12:00 nang madiskubre ng mga awtoridad sa checkpoint sa Governor’s Drive sa Brgy. Maduya ang kahong-kahong alak sa…

Read More

MAGSASAKA PINAG-DINNER BAGO ITINUMBA

DAVAO DEL SUR – Nalagutan ng hininga ang isang 23-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin sa kanyang bahay matapos maghapunan sa Brgy. Tagaytay sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jerwin Masamloc Tiban, may asawa, miyembro ng tribung B’laan. Ayon kay Major Jeffmar Tercero, hepe ng Magsaysay Municipal Police Station, isinugod ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Viacrusis Medical Hospital ngunit idineklarnag dead on arrival. (DONDON DINOY) 231

Read More

2 TIRADOR NG MOTOR, NAPATAY SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City sa lalawigang ito noong Lunes ng gabi. Kinilala ng San Pablo City police ang mga napatay na sina June Balaba Bernal, lider ng grupo, at John Lloyd Bernal, parehong residente ng Brgy. III-C ng nabanggit na lungsod. Batay sa report ng pulisya, ang nanlaban sa mga pulis ang mga suspek sa drug buy-bust operation sa San Ignacio, San Pablo City, na nagresulta sa kanilang pagkamatay. Nakuha sa mga suspek ang ilang sachet ng…

Read More

2 BIFF NALAGAS SA PHIL. ARMY

MAGUINDANAO – Patay ang dalawang kasapi ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army 33rd Infantry Battalion sa checkpoint sa bahagi ng Barangay Tuka sa bayan ng Mamasapano sa lalawigang ito. Ayon sa Joint Task Force Central (JTFC), agad namataan ng mga sundalo ang paparating na tatlong armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo. Bago pa makarating sa posisyon ng mga sundalo ay agad silang pinaputukan ng mga bandido kaya nagkaroon ng maikling sagupaan. Nang humupa ang palitan ng putok ay dalawang bangkay ang natagpuan…

Read More

P40-M SHABU NASABAT SA BOHOL

BOHOL – Sa gitna ng pandemyang ng COVID-19 sa bansa ay tuloy pa rin ng counter illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency patunay ang mahigit P40 milyong halaga ng shabu na nasabat ng mga operatiba nito kasama ang Bohol Provincial Police Office sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan. Unang naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, Tagbilaran City na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na mga suspek at nakumpiska ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang P13.7 milyon ang market value.…

Read More

KASO NG COVID-19 SA PINAS, 14,669 NA

MAY nadagdag na naman sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Batay sa huling case bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID- 19 bunsod ng 350 na bagong naitala. Sa data ng Health department, noong April 3 huling nakapagtala ng higit 300 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas sa loob ng isang araw kung saan pumalo ito noon sa 385. Ang mga gumaling naman ay nasa 3,412 na dahil sa nadagdag na 89 recoveries. Habang ang mga namatay ay nasa 886…

Read More