114K ‘MAKATIZEN’, TUMANGGAP NA NG P5K CASH AID  

UMAABOT sa 114,828 residente ang tumanggap ng P5,000 ayuda mula sa lungsod ng Makati sa loob lamang ng isang linggo makaraang ipatupad ang Makatizen Economic Relief Program (MERP), bilang tulong sa mga apektado ng may COVID-19 pandemic. Ayon kay Mayor Abby Binay, gumamit sila ng digital platforms na GCash sa pagsasagawa ng contactless cash assistance delivery upang maipaabot ang tulong pinansyal sa mga residente kaya naging mabilis ang pamamahagi ng ayuda. Kwalipkado sa MERP ang 18 anyos at pataas na mga residente ng Makati City o residente ng relocation sites…

Read More

NO. 1 MOST WANTED ARESTADO

ARMADO ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Gerald Maningo y Sabili, binata, ng #1381 Batangas St., Tondo. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng Manila Police District-Station 2, bandang alas-5:00 ng hapon noong Mayo 21 nang arestuhin ang suspek sa Blk.15, Baseco Compound, Port Area. Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng arrest…

Read More

OBRERO ITINUMBA NG DRUG PERSONALITY

PATAY ang isang construction worker na makikipagkita sa kanyang kaibigan matapos pagbabarilin ng isang hinihinalang drug personality sa Malabon City, nitong Biyernes ng madaling araw. Dead on the spot si Joben Ortega, 29, ng Gozon Compound, Phase 5, Brgy. Tonsuya, Malabon City sanhi ng tama ng bala sa katawan habang mabilis namang tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang suspek na kinilalang si Robert Andilab ng #272 Phase 2 Lupa, Gozon Compound makaraan ang insidente. Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong alas-3:35 ng madaling araw,…

Read More

OVERPRICING SA COVID TEST KITS, BAHALA NA ANG OSAP – MALAKANYANG

IPAUUBAYA na ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang alegasyon ng overpricing sa presyo ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) coronavirus disease 2019 (Covid-19) testing packages. Naging madamot si Sec. Roque sa pag-komento ss isyu lalo pa’t nagsilbi siyang legal counsel ng dalawang complainants na siyang nagbunyag ng anomalya sa PhilHealth noong nakaraang taon. “May conflict of interest na po ako diyan dahil ako mismo nagsampa ng kasong kriminal laban sa mga kurakot sa PhilHealth,” ayon kay Sec. Roque. Noong Pebrero,…

Read More

OCD ASEC PURISIMA SINIBAK

KINUMPIRMA ng Malakanyang na sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa puwesto si Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima ‘effective immediately’ dahil sa nawalang tiwala at kumpiyansa ng Chief Executive sa kanya. Kasabay nito ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio, Jr. Pinasalamatan ng Malakanyang si Usec. Rio para sa kanyang ‘ invaluable services’ sa bansa. “We wish him well in all his future endeavors,” ayon kay…

Read More

BALIK PROBINSYA PROGRAM MAGTAGUMPAY KAYA?

PUNA

MAGANDA sana ang ‘Balik Probinsiya Program’ ng gobyerno kung masusuportahan at mabibigyan ang mga nag-avail nito ng tulong sa pagkakakitaan na panghabang-buhay. Karamihan kasi ng mga probinsiyano ang alam ay nasa Kamaynilaan ang oportunidad dahil dito matatagpuan ang mga naglalakihang mall, pabrika, unibersidad at mga opisina ng gobyerno. Pero, kung unti-unting magagawa ng gobyerno na magkaroon ng mga pabrika o pagawaan sa mga lalawigan para magkaroon ng trabaho ang mga probinsiyano ay mas pipiliin nila na manatili na lamang sila sa kani-kanilang mga lalawigan. Inirereklamo rin ng mga probinsiyano ay…

Read More

PANAWAGAN PARA SA OFW PENSION PLAN, LUMALAKAS

AKO OFW

BUMUHOS ang suporta ng maraming OFW at mga li der ng iba’t ibang samahang OFW para sa panawagang pagkakaroon ng OFW Pension Plan. Marami ang nag-share ng link ng aking column at may isa pa nga na kinopya ang buong artikulo at di nagdagan ng ilang salita at ipinost sa Facebook. Hinihiling ng mga OFW sa kongreso na rebisahin ang Republic Act 10801 na may titulong “AN ACT GOVERNING THE OPERATIONS AND ADMINISTRATION OF THE OVERSEAS WORKERS WELFARE” upang maidagdag sa tungkulin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagkakaloob…

Read More

NATIONWIDE GCQ, POSIBLE SA AGOSTO – MALAKANYANG

PINALUTANG ng Malakanyang ang posibilidad na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang buong bansa sa Agosto. Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari at posibleng ipatupad ang GCQ sa buong bansa sa Agosto sa kondisyong ang lahat ng Filipino ay kailangan na susundin ang quarantine protocols ng pamahalaan na ipinatutupad para mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Pero sa ngayon po, for purposes of planning, we’re assuming that with (the) cooperation of everyone, pupwede na po na buong Pilipinas ay mag-GCQ by August,” ayon kay Sec. Roque. Nabanggit…

Read More

PARTIAL CLOSURE SA OSPITAL NG MALABON DAHIL SA COVID-19

INANUNSYO ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta na muling isasara ang ilang operasyon sa Ospital ng Malabon (OSMAL). Ito’y dahil sa isang pasyente mula sa Brgy. 12, Caloocan city na nagsilang ng sanggol ngunit hindi umamin habang ini-interview sa ospital na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 at may possible exposure siya sa virus. Isinailalim sa Rapid Testing ang ginang at doon nalaman na positive ito sa COVID-19. Ayon sa alkalde, ang City Legal ay nasa proseso ng pagsasampa ng kaso sa naturang pasyente…

Read More