MODIFIED CHECKPOINTS IKAKASA NG JTF COVID SHIELD

PAIIRALIN ng Joint Task Force COVID Shield sa Metro Manila at urban areas sa buong bansa ang modified checkpoints kaugnay na rin ng pagdagsa ng mga motorista bunsod ng partial re-opening ng ekonomiya kasunod ng bahagyang pagluluwag sa pinaiiral na coronavirus lockdown. Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang nasabing hakbangin ay upang maiwasan ang dambuhalang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga Quarantine Control Points (QCPs) lalo na sa mga lugar na pinapayagan nang makalabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay kasunod…

Read More

DOH SISINGILIN NG SENADO SA OVERPRICING

doh

MAY araw ng pagtutuos para sa sinasabing pattern ng overpriced na mga medical equipment na binili ng Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 crisis. Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pag-amin na hindi pa napapanahon upang imbestigahan ang DOH sa sinasabing iregularidad. Sinabi ni Lacson na ang anomang pagsisiyasat ay magiging dahilan lamang ng distraction ng DOH at iba pang government agencies sa kanilang mga aksyon ngayon para sa pandemic. “But I think there should be a day of reckoning on all this,” diin ni…

Read More

24 NPA PATAY, 11 ARESTADO

DAVAO CITY- Aabot sa 77 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakontrol sa patuloy na operasyon ng mga miyembro ng Eastern Mindanao Command (EMC) sa loob lamang ng kalahating buwan nitong Mayo. Sinabi ng tagapagsalita ng EastMinCom, na si Lieutenant Col. Ezra Balagtey, sa bilang na 77, 24 sa mga ito ang napatay, 11 ang arestado at 42 ang sumuko. Nakuha sa mga rebelde ang 83 baril, 13 sa mga ito ay kusang isinuko at ilang mga kampo rin ang sinira ng militar sa kanilang area of responsibility. Ayon…

Read More

SUSPEK SA BOMBING, NAPATAY  

MAGUINDANAO – Patay ang isang lalaking suspek sa pambobomba makaraan umanong makipagbarilan sa militar at pulisya, iniulat nitong Huwebes sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na suspek na si Saidon Kabot Nilong, miyembro AKP-Maguid Group, residente ng Lapu, Polomolok, South Cotabato. Batay sa report ng Maguindanao-PNP, bandang alas-5:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa Rajah Buayan, Maguindanao. Magkatuwang ang pulisya at mga miyembro ng 33rd Infantry Battalion sa pagtugis kay Nilong na isang notoyus na bomber at high value target, sa bisa ng warrant of arrest.…

Read More

3 NALUNOD SA CALAMBA

LAGUNA – Tatlo katao ang nalunod sa dalawang magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito. Sa Calamba City, dalawang dalaga ang nalunod makaraang magkayayaang maligo sa ilog San Juan sa Brgy. Kay Anlog noong Mayo 19. Pagkaraan ay nataguan sa karatig barangay ang bangkay ng biktimang si Nikka Ella Quemada, 18, residente ng Southville, Brgy. Kay Anlog Calamba City, dakong gabi. Sa pangunguna ni LDRRMO Chief Jeffrey Rodriguez, katuwang ang Brgy. Quick Response Team (BQRT), Bureau of Fire (BFP), Red Cross, Coast Guard, nagsagawa ng search and retrieval operation para hanapin…

Read More

TRIKE DRIVER NA NAKIALAM SA AWAY, NAPATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 29-anyos na tricycle driver nang hatawin ng baseball bat ng kapitbahay makaraang sumawsaw sa away ng pamangkin ng biktima at kapatid ng suspek sa Cavite City sa lalawigang ito. Idineklarang dead on arrival sa Cavite Lying-in clinic ang biktimang si Lorence Angeles, binata, ng Brgy. 42 M, San Antonio, Cavite City habang arestado naman ang suspek na si Juan Libria, 45, isang construction worker at kapitbahay ng biktima. Sa ulat ni P/SSgt. Armangel Genuino ng Cavite City Police Station, dakong alas-6:45 noong Miyerkoles…

Read More

P1.56-B AGRIKULTURA SINIRA NG BAGYONG ‘AMBO’

UMABOT na sa P1.56 bilyong mula sa dating naiulat na P1.14 bilyon ang nasira mga panananim na dulot  ng bagyong Ambo na tumama sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), ang nasabing halaga ay katumbas ng 69,935 MT na nasira sa agrikultura. Tinatayang aabot ng 28, 476 ektaryang sakahan ang naapektuhan ng bagyo, na may 45,430 magsasaka at mangingisda. Ang pagtaas umano ng halaga ng kabuuang nasira at nawala dulot ng bagyong Ambo, ay dahil sa mga bagong ulat mula sa Central Luzon,…

Read More

MGA PEDICAB SA PASAY, HINDI PAPASADA HANGGANG KATAPUSAN

HINDI na muna bibiyahe ang mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association ng Pasay City hanggang Mayo 31, 2020. Una rito ay nagpatawag si Tricycle and Pedicab Franchising and Regulatory Office (TPFRO) Chief Ace Sevilla ng pulong sa naturang mga opisyal sa pangunguna ni Pasay Alliance of PODA Inc. President Eliazar Dayrit hinggil sa mga panuntunan o guidelines na dapat sundin ng mga tsuper ng pedicab gayundin ng mga tricycle na mamamasada sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ). Ang naturang guidelines ay alinsunod sa health protocols na…

Read More

ONLINE PAYMENT FEE, IRE-REFUND NG MERALCO

MAGRE-REFUND ang power utility firm na Manila Electric Company (Meralco) sa ibinayad na online payment fee ng customers nito. Nag-sorry rin ang Meralco dahil dapat ay sila ang sumalo ng nasabing fee dahil na rin sa COVID-19 lockdown. Ang Meralco ang pinakamalaking power distributor sa Pilipinas. Ang “convenience fee,” ang binabayaran sa online payment platform PayMaya. Ang Meralco at PayMaya parent PLDT Inc. ay kapwa pag-aari ng Metro Pacific Investments Corp. “I sincerely apologize for this lapse. Meralco will shoulder the convenience fee charged during the aforesaid ECQ (enhanced community…

Read More