MOTORISTA PINAIIWAS SA ROXAS BOULEVARD DAHIL SA MGA BITAK SA SOUTHBOUND LANE

INABISUHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga motorista, partikukar ang truck drivers, na iwasan muna ang Roxas Boulevard dahil sa mga bitak sa southbound lane. Una nang nai-report ang insidente noong Hunyo 2019 makaraang mahulog ang isang 14- wheeler truck na may kargang buhangin at patungo ng Manila Bay, sa sinkhole sa bahaging northbound service road sa panulukan ng Remedios St. malapit sa Rajah Sulayman Park sa Roxas Boulevard. Sa kabutihang palad ay walang nasaktan sa insidente. Ang lugar na kinaroroonan ng sinkhole ay agad kinurdon at…

Read More

2 ONLINE SCAMMER, ARESTADO SA PARAÑAQUE

NASAKOTE ng mga operatiba ng Pasay City Police sa Paranaque City kahapon ang isang negosyanteng Pinoy na umano’y nasa likod ng online scam sa Pilipinas at Singapore. Kinilala ang isa sa mga suspek na si Malvin Kistiakowsky Chaneco Tianchon, 29-anyos, residente ng 9006-69 Recto Extension, Villamor Airbase, Pasay City. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Marso 11 niHon. Jose Lorenzo Dela Rosa, presiding Judge ng RTC Branch 117 ng Pasay City. Sa report kay PNP chief, General Archie Francisco Gamboa, ni NCRPO chief,…

Read More

Mga kaso binubusisi ng NBI PEKENG MARCOS KULONG PA RIN

MANANATILING nakapiit sa National Bureau of Investigation Headquarters sa Maynila ang YouTuber na si Norman Mangusin, alyas Francis Leo Marcos. Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, ito ay dahil sa dalawa pang warrant of arrest laban kay Marcos kabilang ang may kinalaman sa human trafficking na non-bailable offense. Ayon naman kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, sa kasong paglabag sa Optometry Law, nagrekomenda ang Baguio court ng P20,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Marcos. Gayunman, sinabi ni Lorenzo, bukod sa kaso sa NBI-CCD, iniimbestigahan din si…

Read More

TAPYAS PONDO SA SUCs INIAPELA

UMAPELA si Senador Pia Cayetano sa pamahalaan na huwag pagdiskitahang bawasan ng pondo ang mga state universities and colleges (SUCs). Sinabi ito ng senador kasunod ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole kung saan tinatarget umano ng pamahalaan ang infrastructure project ng SUCs. “Just to put on record my concern for our budget of higher education. They are very underfunded to begin with, and we’re very slow to provide infrastructure funding for our SUCs,” apela ni Cayetano kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado. “If we…

Read More

SOLON SA DOH: MAGING TAPAT SA DATOS NG COVID

DAPAT maging tapat ang Department of Health (DOH) sa tunay na kalagayan ng bansa sa laban sa COVID-19. “We have to be honest. Dapat kumpleto at reliable ang mga datos,” sabi ni Senador Risa Hontiveros. Ito ang pahayag ni Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole habang kinuwestiyon ang pahayag ng Department of Health na ang Pilipinas ay ‘flattening the country’s coronavirus curve’ lalo na at nakumpirma ang COVID-19 na mga kaso na umabot sa 12,942 ngayon at ang bansa ay hindi umaabot sa target na 20,000 bawat…

Read More

Banat ni Recto kay Roque ‘STOP SAP’ SA MECQ AT GCQ, LABAG SA BAYANIHAN ACT

recto33

BINANATAN ng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Ralph Recto ang tagapagsalita ng pangulo na nagsabing hindi na makatatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang mga pinakamahihirap na pamilyang naninirahan sa mga rehiyon at lalawigang tinanggal sa “enhanced community quarantine” (ECQ) simula Mayo 16. Sabi ni Recto, “Klaro sa records ng debate [ng Senado] that [financial assistance through SAP to the poorest families] should be given in two installments and is not linked to the quarantine status of the place.” Idiniin pa ng Senate President…

Read More

TEST KITS NG UP NI-RECALL

PINA-RECALL na muna ang COVID-19 testing kits na dinevelop ng University of the Philippines dahil sa isang “minor defect,” ayon na rin kay Health Undersecretary Rosario Vergeire. Paliwanag ni Vergeire na ang minor problem ay nadiskubre habang ang testing kits ay nasa validation ng government-run Research Institute for Tropical Medicine (RITM). “Doon sa validation, nalaman na may problema ang kanilang testing kit. Very minor, kaya ni-recall iyong mga testing kits nila na dapat ipamimigay sa mga ospital,” sinabi ni Vergeire sa DOH forum. “I cannot really disclose what the issue…

Read More

MERALCO HINDI MAGPUPUTOL NG SERBISYO

NANGAKO ang electric power firm na Manila Electric Company (MERALCO), na hindi muna sila magpuputol ng serbisyo ng kuryente, sa likod na rin ng kaliwa’t kanang reklamo laban sa kanilang singil na doble o higit umano ang naging patong. Sa panayam ng radyo DZBB, sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na nakikinig naman sila sa mga consumer. “We hear the feedback loud and clear. Kami naman, we are very cognizant of the issues that are currently being hurled against us at nakikinig kami,” sinabi nito. Sinabi rin ni Zaldarriaga na…

Read More

SINAS ‘INABSWELTO’ NI DIGONG

MISTULANG inabswelto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kontrobersyal na si National Capital Region police chief Maj. Gen. Debold Sinas sa pag-amin na siya ang may ayaw na mailipat ito ng pwesto. Naging malaking isyu kay Sinas ang mañanita sa kaarawan nito kamakailan. “Ako yung ayaw na malipat siya. He is a good officer, he’s an honest one. Hindi niya kasalanan kung may mangharana sa kanya sa birthday niya,” ani Pangulong Duterte sa kanyang public message nitong Miyerkoles. Inireklamo si Sinas matapos dagsain ng bisita ang idinaos na birthday mañanita…

Read More